DRAINAGE MASTER PLAN NG MAYNILA IPINASA NI ISKO SA MALACAÑANG

IPINAGKATIWALA na ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Drainage Master Plan ng lungsod nitong Setyembre 18, 2025, bilang ambag ng Maynila sa laban kontra pagbaha. Sinimulan ang plano noong 2021, sa unang termino ni Domagoso bilang alkalde, at natapos bago siya muling bumalik sa City Hall ngayong 2025. Ayon sa alkalde, ito ay isang scientific at technical framework para maresolba ang paulit-ulit na problema sa pagbaha sa kabisera. Bukod dito, iniabot din ni Domagoso sa Pangulo ang operations plan para sa darating…

Read More

UPLB SA LAGUNA LALAHOK SA WALKOUT PROTEST

GAGANAPIN ngayong Biyernes ang isang walkout protest sa University of the Philippines Los Baños (UPLB) upang ipanawagan ang sapat na pondo para sa edukasyon at kondenahin ang katiwalian sa gobyerno. Inindorso ni UPLB Chancellor Jose Camacho Jr. ang protesta matapos magsumite ng kahilingan ang UP Action Los Baños na may kaugnayan sa pangyayari. Bukod pa rito, isang hiwalay na pahayag ang inilabas ng UPLB School of Environmental Science and Management (SESAM) bilang suporta sa walkout. Ayon sa datos, sa kabila ng P545 bilyong pondo na inilaan para sa flood control…

Read More

Wala pang validated threat – AFP SEGURIDAD SA BARMM ELECTION PINALAKAS NG PNP

PINALAKAS ng Philippine National Police (PNP) ang inilalatag na seguridad para sa nalalapit na parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na gaganapin sa Oktubre 13. Ayon kay acting PNP chief, Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., layunin ng PNP na tiyaking ligtas, mapayapa, at malaya ang halalan, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Mula Agosto 14, nagpatupad na ang PNP ng 14,828 checkpoints na nagresulta sa 22 na naaresto at 32 nakumpiskahan ng baril dahil sa paglabag sa election gun ban. Kasama rin sa…

Read More

ABOGADO NILIKIDA SA HARAP NG BAHAY

PALAWAN – Namatay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang abogado matapos birahin ng hindi pa nakikilalang gunman sa harap ng kanyang bahay sa Puerto Princesa City noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktimang si Atty. Joshua Abrina na binaril sa harapan ng bahay nito sa Barangay San Pedro bandang alas-8:00 ng gabi. Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng Puerto Princesa City Police Station 2 (PS-2), kagagaling lamang ni Abrina sa isang prayer meeting at habang ibinababa ang kanyang mga gamit ay nilapitan ng gunman at saka binaril nang…

Read More

MANILA BAY COASTAL ROAD-DIKE PROJECT HINILING SIMULAN NA

LUNGSOD NG MALOLOS – Umapela sina Gobernador Daniel R. Fernando ng Bulacan, noo’y gobernador Dennis G. Pineda ng Pampanga, at Gobernador Jose Enrique S. Garcia III ng Bataan, sa Tanggapan ng Pangulo na opisyal nang simulan ang konstruksiyon ng Manila Bay Integrated Flood Control, Coastal Defense and Expressway Project. Ang naturang proyekto ay isang multi-purpose coastal road-dike na kinabibilangan ng Bataan-Cavite Interlink Bridge na layong magbigay-lunas sa matinding trapiko, tugunan ang malawakang epekto ng pagbaha, at gawing mas madali ang pag-access sa mga economic development zone ng bansa. Ayon kay Fernando,…

Read More

Dahil sa pag-flex ng Manila SK officials DILG ORDERS REVIEW OF GOV’T-FUNDED TRAVELS

IPINAG-UTOS ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang agarang rebisyon ng travel policies para sa local officials matapos ang kontrobersyal na biyahe ng ilang Manila Sangguniang Kabataan (SK) officers sa Thailand. Tinuligsa ni Remulla ang ginawang pagpopost ng SK officials sa social media ng kanilang “capacity development” trip na ginastusan umano mula SK funds, pero mas umangat ang mga larawan ng leisure at pasyal kaysa sa tunay na training. “Maybe it’s time to review the policy to ensure that all travel, if government-funded, is legitimate and serves a specific purpose,” ani…

Read More

ATONG ANG ITINURO SI ‘TOTOY’ SA AREGLUHAN SA SABUNGEROS CASE

IDINIIN ng kampo ng gambling icon na si Charlie “Atong” Ang si Julie Dondon Patidongan, alyas Totoy, bilang utak umano ng aregluhan o bentahan ng kaso kaugnay ng pagkawala ng mahigit 100 sabungeros. Mariing pinabulaanan ni Ang ang mga paratang laban sa kanya sa unang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) kung saan kasama rin sa mga akusado ang aktres na si Gretchen Barretto at mahigit 60 iba pa. Ayon kay Atty. Gabriel Villareal, abogado ni Ang, wala umanong kinalaman ang kanyang kliyente sa sinasabing suhulan ng mga kaanak…

Read More

“LILIIT LAW” KONTRA SA MAPAGSAMANTALANG NAGPAPAUTANG

INILATAG ni Tarlac 2nd District Rep. Cristy Angeles ang isang makabuluhang panukalang batas laban sa mga abusadong nagpapautang. Kasama siya sa mga co-author ng House Bill 572, na tinaguriang Loan Interest Limitation and Itemization (LILIIT) Law — batas na layong tapusin ang pang-aabuso sa mga nangungutang. Sa ilalim ng panukala, mahigpit na ipatutupad ang mga sumusunod: May maximum interest rate para hindi sobra-sobrang singilin ang mga tao, Malinaw na kontrata sa bawat pautang, walang palusot o itinatago. Bawal kanselahin ang permit o lisensya ng nangutang hangga’t hindi pa tapos magbayad.…

Read More

BADYET NG DOST, PH SPACE AGENCY PARA SA 2026 TINALAKAY

PINAMUNUAN ni Sen. Camille A. Villar ang pagdinig ng Senate Finance Subcommittee L para talakayin ang 2026 budget ng Department of Science and Technology (DOST), Philippine Space Agency (PHILSA), at mga attached agencies. Binigyang-diin ni Villar na ang agham, teknolohiya, at inobasyon ay susi sa pambansang pag-unlad, competitiveness, at pagtugon sa mga hamon ng panahon. “Binubuksan ng mga sektor na ito ang mga pinto para sa ating kabataan, nagpapalakas sa ating kakayahan sa research, at nagbibigay ng solusyon sa mga hamon sa agrikultura, klima, kalusugan, at disaster preparedness,” ani Villar…

Read More