Romualdez bigyan ng due process – Apa Ongpin

MANILA — Nanawagan si Makati Business Club Executive Director Apa Ongpin na igalang ang karapatan ni dating House Speaker Martin Romualdez na mabigyan ng due process sa gitna ng umiinit na imbestigasyon kaugnay ng flood control scandal. Ayon kay Ongpin, hindi dapat isakripisyo ang pangalan ni Romualdez sa harap ng mga paratang hangga’t hindi pa napatutunayan ng mga awtoridad ang buong katotohanan. Binigyang-diin niya na ang anumang imbestigasyon ay dapat manatiling malaya, patas, at walang impluwensiya mula sa sinumang nasa kapangyarihan — kabilang na ang Pangulo mismo. Giit ni Ongpin,…

Read More

CONG-TRATISTA SARILI ANG PINAGSISILBIHAN

DPA ni BERNARD TAGUINOD NAPAKARAMING cong-tratista sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaya ang tanong ng taumbayan ay mapapanagot ba sila lalo na’t halos lahat sa kanila ay sikat as in nagbubutas lang ng silya sa Kamara at isa sa mga binabantayan dahil baka malason sila sa kanilang laway dahil hindi sila nagsasalita. Lalong nakatatakot na tuluyang malason sa kanilang laway ang mga cong-tratistang ito dahil noong hindi pa napapansin ng taumbayan ang kanilang raket ay hindi sila nagsasalita, asahan n’yo na hindi na nila ibububuka pa ang kanilang bibig. Sabagay,…

Read More

BERNARDO NG DPWH, ‘KEY CARD’ KING

PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI lang pala “kickback” ang uso noon sa DPWH — may “key card” culture pa raw. At ayon sa mga tsismis sa loob, ang utak daw nito ay si dating DPWH undersecretary Roberto Bernardo — yes, ‘yung parehong opisyal na ngayon ay nagpapalusot ng “karamdaman” para umiwas sa hearing ng Independent Commission on Infrastructure (ICI). Sabi ng insiders, si Bernardo raw ang nagpasimula ng sistemang parang “exclusive club” para sa piling opisyal at kontratista. May mga junket, private parties, at “special access” na para bang…

Read More

PISONG TAAS PASAHE SAPUL ANG MGA MANGGAGAWA’T ESTUDYANTE

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS ISA na namang dagdag-pasanin ni Juan Dela Cruz ang hirit ng mga grupo ng transportasyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na aprubahan ang P1 provisional na dagdag sa pamasahe para sa unang apat na kilometro ng biyahe sa mga pampasaherong jeep. Ang panawagang ito ay para maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo, piyesa, at iba pang mga gastusin sa maintenance. Sinabi ni Ramon Guevarra, pangulo ng Jaen Nueva Ecija Transport Corporation, kinakailangan na ang dagdag-pasahe dahil…

Read More

COUNTER-AFFIDAVIT SINUMITE NG MGA ANAK NI ATONG ANG SA DOJ; PARATANG SA KASO NG MISSING SABUNGEROS WALANG BASEHAN

MANILA – Naghain ngayong araw ng kani-kanilang counter-affidavit sa Department of Justice (DOJ) ang mga anak ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang para pabulaanan ang mga paratang na idinadawit sila sa kaso ng mga nawawalang sabungero. Sa pamamagitan ng kanilang mga abogado, tinawag ng mga anak ni Ang na “walang basehan at walang kredibilidad” ang mga akusasyong ibinabato laban sa kanila ng nagpakilalang whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan. Ayon kay Atty. Lorna Kapunan, isa sa mga abogado ng pamilya Ang, nabigo si Patidongan na magpakita ng sapat na ebidensiya…

Read More

Dedma ibang kongresista? PAGLABAS NG SALN SA KAMARA MATUMAL

MATUMAL ang paglalabas ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil anim pa lang na party-list representatives at isang district congresswoman ang nagsapubliko ng kanilang yaman. Habang isinusulat ito, tanging sina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Kabataan Rep. Renee Co, Gabriela Rep. Sarah Elago, Akbayan Reps. Perci Cendaña, Chel Diokno, Dadah Ismula, at Dinagat Islands Rep. Arlene “Kaka” Bag-ao ang mga naglabas ng kanilang SALN. Ginawa nila ito matapos alisin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang restriksyon ni dating Ombudsman Samuel Martires, na…

Read More

Walang pagbabago hangga’t inuupuan ng Kongreso POLITICAL DYNASTY NAGPAPALUGMOK SA PH

HANGGANG pangarap na lang ang pagbabago sa Pilipinas hangga’t hindi kumikilos ang Kongreso para ipasa ang batas na magbabawal sa political dynasty, ayon kay Caloocan City Rep. Edgar Erice. Sa isang panayam kahapon, hinamon ni Erice sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte na pangunahan ang laban kontra political dynasty kung tunay na layon ng mga ito ang reporma at pag-unlad ng bansa. “Eh wishful thinking na rin ang mga Pilipino na magkaroon tayo ng maayos na pamahalaan,” ani Erice, matapos banggitin ng ilan na ‘hanggang…

Read More

Kaya pinalulutang destab plot? MARCOS ADMIN KABADO SA MGA PROTESTA – VP SARA

HINDI bahagi ng destabilization plot ang mga protest rally na isinasagawa ng mga tagasuporta ni Vice-President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa administrasyon nito. Sinabi ni VP Sara na ang mga protest rally laban kay Pangulong Marcos ay bahagi ng freedom of speech at freedom of expression. “Even if the people decide to rally every day along Edsa, that’s not destabilization. It’s freedom of speech and expression,” ayon kay VP Sara. Kaya nga, kinuwestiyon ni VP Sara ang paglalarawan ng administrasyon sa mga rally bilang bahagi…

Read More

Politiko, kontratista ihahalo sa ordinaryong preso MGA CORRUPT MAGIGING KAKOSA NG MGA KRIMINAL

MAGIGING kakosa ng mga ordinaryong kriminal ang mga politiko, opisyal ng DPWH, at mga kontratistang masasangkot sa multi-billion peso flood control scandal, matapos ihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na handa na ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa kanilang pagkukulungang pasilidad. Sa pulong-balitaan sa New Quezon City Jail sa Payatas, binigyang-diin ni Interior Secretary Jonvic Remulla na walang special treatment ang sinomang mapatutunayang sangkot sa katiwalian. “Handa na kami. We are not backing out of our obligation to fulfill our role as the…

Read More