LAHAT NG AHENSYA DAPAT MAGBABA NG PRESYO

DPA ni BERNARD TAGUINOD INUTOS na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ibaba ang presyo ng mga materyales ng mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) pero hindi lang ang ahensyang ito ang dapat atasan kundi lahat ng mga ahensya ng gobyerno. Matagal na itong raket ng mga regular at appointed officials sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno kaya panahon na para ipatupad ang kautusan nang seryoso at hindi lang sana pakitang-tao. Sa materyales pa lang na 100% ang patong ng government officials kumpara sa…

Read More

TAX BREAK NA KAYA ANG MAGPAPALUBOG SA BANGKA NI JUNJUN?

PUNA ni JOEL O. AMONGO KUNG hindi iniinda ng kasalukuyang administrasyon ang kaliwa’t kanang rali ng taumbayan, ang tax break o sabay-sabay na hindi pagbabayad ng buwis ng mga Pilipino na kaya ang magpapalubog sa bangka ni Junjun Marcos? Marami nang showbiz personalities ang dismayado sa isinasagawang imbestigasyon ng gobyerno at hanggang ngayon ay wala pa ring naparurusahan sa mga utak sa paglustay sa pera ng taumbayan. Paano kung sabayan pa ‘yan ng overseas Filipino workers (OFWs)? Ngayon ay inip na inip na ang publiko, imbes na maging malinaw na…

Read More

LABAN SA KORUPSYON DAPAT MAGSIMULA SA MALACAÑANG

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS KUNG talagang seryoso ang administrasyong ni Marcos Jr. sa kampanya laban sa korupsyon ay dapat sa loob mismo ng Malacañang niya ito simulan. Ito ay ayon sa panawagan ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña matapos kontrahin ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang ideya ng pagpapalabas ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno. Ayon pa kay Cendaña, tila inaalisan ng sandata ang taumbayan sa laban kontra katiwalian, ang posisyon ni Bersamin. Sinabi pa niya na ito ang sandata…

Read More

Kaya walang nakukulong DOJ, BOC, AT DA MAY SABWATAN SA SMUGGLING?

POSIBLE umanong may sabwatan ang ilang tauhan ng Department of Justice (DOJ), Bureau of Customs (BOC), at Department of Agriculture (DA) sa pagpasok ng mga smuggled agricultural products sa bansa. Ito ang ibinunyag ni Sen. Kiko Pangilinan, chairman ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform, matapos nilang mag-inspeksyon sa ilang container vans sa Manila International Container Port (MICP). Ayon kay Pangilinan, may circumstantial evidence na magpapatunay ng sabwatan sa loob ng tatlong ahensya. “Matagal nang may batas laban sa smuggling, pero hanggang ngayon — wala pa ring nakukulong,”…

Read More

P8.8-B NG GSIS “NATALO SA SUGAL”

MISTULANG tinamaan ng kasabihang “walang nananalo sa sugal” ang Government Service Insurance System (GSIS) matapos itong malugi ng halos ₱8.8 bilyon sa mga kumpanyang pinuhunanan nito kabilang na ang dalawang gambling firms. Kahapon, naghain ng House Resolution (HR) No. 415 ang Makabayan bloc upang paimbestigahan ang GSIS dahil sa umano’y sunod-sunod na pagkatalo ng pondo ng mga kawani ng gobyerno sa “high-risk” investments. Ang resolusyon ay inakda nina ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, Kabataan party-list Rep. Renee Co, at Gabriela party-list Rep. Sarah Elago. Giit nila, kailangang silipin kung…

Read More

LCSP: May selda na, ‘yung mga ikukulong wala pa ZALDY CO, ET AL TULOY ANG LIGAYA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TILA pinasaringan ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang pamahalaan matapos nitong ihayag na tila mas handa pa ang gobyerno sa kulungan ng mga sangkot sa flood control scam kaysa sa aktuwal na paghahain ng kaso laban sa mga tulad ni resigned congressman Zaldy Co. “Handang-handa na ang kulungan, pero si Zaldy Co — komportableng natutulog pa rin sa airconditioned suite sa mga mamahaling hotel gamit ang pera ng bayan,” banat ng grupo sa pamamagitan ng presidente nito na si Atty. Ariel Inton Inton.…

Read More

USAF Doomsday Plane nag-overnight sa NAIA 2 U.S. AIRCRAFTS BUMAGSAK SA SOUTH CHINA SEA

DALAWANG American aircraft, ang MH-60R Sea Hawk helicopter na nakatalaga sa aircraft carrier USS Nimitz (CVN-68), at US Navy F/A-18F Super Hornet fighter, ang bumagsak sa South China Sea nitong Linggo sa magkahiwalay na insidente. Kinumpirma ng US Pacific Fleet ang pag-crash ng dalawa nilang air asset na unang inilabas ng US Naval Institute’s online news outlet USNI News Linggo ng gabi. Habang nag-overnight naman sa Ninoy Aquino International Airport ang E4B NightWatch, na kilala bilang United States Air Force (USAF) Doomsday Plane, para umano sa brief technical stop. Walang…

Read More

Walang kanselasyon sa tourism activities CEBU NANATILING LIGTAS KASUNOD NG LINDOL – DOT

IPAGPAPATULOY ng Department of Tourism (DOT) ang lahat ng nakatakdang kaganapan at aktibidad sa Cebu, na nagpapatunay na nananatiling ligtas at bukas ito sa mga bisita kasunod ng magnitude 6.9 na lindol noong Setyembre at kasunod na aftershocks. Sa pagpapakita ng suporta sa mga lokal na manggagawa at negosyo, binigyang-diin ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na ang mga operasyon ng turismo sa buong Cebu at rehiyon ng Central Visayas ay ‘business as usual’ kung saan karamihan sa mga pampublikong lugar, heritage sites, at mga pasilidad ng tirahan ay siniyasat…

Read More

TRUCK NAWALAN NG PRENO, HELPER TUMALON PATAY

QUEZON – Nasawi ang isang helper matapos na tumalon mula sa sinasakyang trailer truck na nawalan umano ng preno habang binabagtas ang pababang bahagi ng Maharlika Highway sa Barangay Sta. Catalina sa bayan ng Atimonan sa lalawigan noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Robbie Bacang Umandac, 35, residente ng Brgy. San Jose del Monte, Bulacan. Batay sa ulat ng Atimonan Police, bandang alas-4:00 ng madaling-araw, tinatahak ng trailer truck na minamaneho ng isang “Roger”, 55, residente ng Tondo, Maynila, ang pababang bahagi ng nasabing kalsada nang biglang…

Read More