LUZON POSIBLENG HAGUPITIN NG SUPER TYPHOON UWAN

TODO ang ginagawang pagbabantay ngayon ng Office of the Civil Defense (OCD) sa paparating na tropical storm na may international name na Fung-Wong, na inaasahang lalakas pa at magiging Super Typhoon Uwan bago tumama sa Central at Northern Luzon. Ayon kay OCD Deputy Administrator for Administration Asec. Rafaelito Alejandro IV, malawak ang rainband o sirkulasyon ng bagyo at posibleng magdulot ng matinding pagbaha sa malaking bahagi ng Luzon, kabilang na ang mga lugar na dati nang binabayo ng tubig-baha. “Base sa track, inaasahang tatama ito mula Aurora hanggang Tuguegarao, Cagayan…

Read More

Sigaw sa protesta ng mga manggagawa GOBYERNONG KORAP BUWAGIN!

MAHIGIT 300 militanteng manggagawa na pinamunuan ng Kilusang Manggagawang Socialista (SOCiALiSTA) ang nagdaos ng kilos-protesta nitong Huwebes ng umaga sa Mendiola, Maynila upang ipanawagan ang pagbuwag sa anila’y “bulok at elitistang sistema” at ang pagtatatag ng “tunay na Gobyerno ng Masa.” Bahagi ng programa ang simbolikong pagbuwag sa estrukturang sumasagisag sa korupsyon, bilang pagpapahayag ng galit ng mamamayan sa anila’y “walang katapusang imbestigasyon” sa Senado, Kongreso, at iba pang ahensya na hindi nauuwi sa pananagutan. Ayon kay Ding Villasin, tagapagsalita ng SOCiALiSTA, patuloy umanong pinahihirapan ng malawakang korupsyon ang mamamayang…

Read More

STATE OF CALAMITY IDINEKLARA SA TINDI NG PINSALA NI ‘TINO’

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang deklarasyon ng state of national calamity matapos ang malawakang pinsalang idinulot ng Bagyong Tino (Kalmaegi) at bilang paghahanda sa banta ng posibleng super typhoon Uwan. “Because of the scope of, shall we say, problem areas that have been hit by Tino and will be hit by (Typhoon) Uwan, there’s a proposal by the NDRRMC which I approve that we will declare a national calamity,” pahayag ng Pangulo sa media matapos ang situation briefing sa Camp Aguinaldo, Quezon City. Ayon kay Marcos, mahigit…

Read More

OPISINA NG BIR NI-RANSACK, 2 SEKYU BINARIL, PATAY

DEAD on the spot ang dalawang security guard ng Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos pagbabarilin sa loob ng opisina ng ahensya sa Ipil, Zamboanga Sibugay, ayon sa ulat ng pulisya. Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng Ipil Municipal Police Station, kinilala ang mga napaslang na sina Jamie Dante, 52, residente ng Naga, at Arkhads Muharral, 41, residente ng Tungawan, parehong mula sa Zamboanga Sibugay. Ayon kay Police Major Pocholo Rolando Guerrero, acting chief ng Ipil Police, Martes ng umaga, nadiskubre ang dalawang bangkay sa receiving area ng BIR office…

Read More

Kasunod ng pagbagsak ng PAF Super Huey AIR FORCE BLACK HAWK NAG-EMERGENCY LANDING

KINUMPIRMA ng pamunuan ng Philippine Air Force na nagsagawa ng emergency landing ang isang Philippine Air Force S-70i Black Hawk helicopter noong Miyerkoles, sa isang palayan sa Barangay Panian, Saint Bernard, Southern Leyte. Ayon sa inilabas na statement ni PAF spokesperson, Col. Ma Christina Basco, “The Philippine Air Force (PAF) confirms that one of its S-70i Black Hawk helicopters conducted a precautionary landing in St. Bernard, Southern Leyte on November 5, 2025, after experiencing fluctuating temperature readings on one of its engine while conducting Rapid Damage Assessment and Needs Analysis…

Read More

MEXICAN NAT’L NAHULOG SA CREEK, SUGATAN

TAGAYTAY CITY – Nagpaabot ng tulong ang Tagaytay Component City Police sa isang Mexican national makaraang matagpuan itong sugatan sa isang creek sa loob ng isang subdibisyon sa lungsod noong Miyerkoles ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Tagaytay Medical Hospital ang biktimang si alyas “Jose”, 46, residente ng Scout Borromeo St., South Triangle, Quezon City. Ayon sa tawag ng isang residente ng Brgy. Maitim II Central, Tagaytay City, napansin ang nasabing dayuhan na naglalakad sa lugar at sugatan bandang alas-10:40 ng gabi. Agad nagresponde ang mga operatiba ng Tagaytay CPS…

Read More

DIGITAL JUSTICE INITIATIVE IPATUTUPAD NG NBI

IPATUTUPAD na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang digital justice initiative para maging moderno ang case management at proseso sa forensic. Kaugnay nito, sisimulan na ang modernisasyon sa pamamagitan ng mga pagsasanay at teknolohiya para wala na umanong agent ang lumalaban sa krimen gamit ang makalumang sistema. Sinabi ni Atty. Angelito Magno, palalakasin din ng nasabing inisyatiba ang kaalaman ng NBI Academy, hindi lamang para maging bihasa sa paglaban sa mga hamon, kundi para na rin sa usapin ng malasakit ng mga imbestigador sa kanilang trabaho. Tiniyak at nangako…

Read More

OIL COMPANIES LUMALANGOY SA BILYONES NA KITA

HABANG nalulunod ang taumbayan sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, lumalangoy naman sa bilyon-bilyong kita ang mga kumpanya ng langis. Ito ang isiniwalat ni Gabriela party-list Rep. Sarah Elago kasunod ng ipinatupad na oil price hike ng mga kumpanya ng langis noong Martes na lalong nagpapahirap aniya sa taumbayan partikular sa transport sector. Ayon sa mambabatas, sa unang 9 na buwan na taon, nagtala umano ang Petron Corporation ng P9.7 bilyong net income o mas mataas ng 37% kumpara sa kinita ng mga ito sa…

Read More

LIFESTYLE CHECK SA MGA POLITIKO SA FLOOD SCAM, SINIMULAN NA NG BIR

Pasok na rin ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa imbestigasyon ng lifestyle check laban sa mga politikong sangkot umano sa maanomalyang nakawan sa mga flood control projects ng gobyerno. Bukod sa mga private contractor at district engineers, target din ng BIR ang mga mambabatas na isinasangkot sa kontrobersyal na proyekto. Kinumpirma mismo ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. sa isang ambush interview sa Department of Justice (DOJ) na sisilipin din ng kanilang ahensya ang maalwan at magarbo umanong pamumuhay ng ilang politiko na kinabibilangan ng mga senador at kongresista.…

Read More