BULACAN – Wala pang isang araw matapos pagnakawan ang isang fastfood restaurant sa lalawigan, dalawang suspek ang naaresto ng mga operatiba ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa isinagawang hot pursuit operation sa Brgy. 175, Caloocan City noong Nobyembre 10. Ang pag-aresto ay nag-ugat sa isang insidente ng pagnanakaw na iniulat noong Nobyembre 9, 2025, sa nasabing fastfood restaurant sa Bustos at Sta. Maria, Bulacan. Sa mabilis na pagtugon at koordinasyon ng Santa Maria Municipal Police Station at iba pang operating unit sa ilalim ng Bulacan Police Provincial Office, matagumpay…
Read MoreDay: November 10, 2025
PRICE FREEZE SA MAYNILA IPINAG-UTOS
IPINAG-UTOS ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, ang ‘price freeze’ sa basic commodities. Batay ito sa Republic Act 7851 o ‘The Price Act’, kaya kailangang manatili sa kasalukuyang presyo o ‘prevailing prices’ ang mga pangunahing bilihin sa loob ng 60-araw. Nangangahulugan ito na naka-price freeze ang mga pangunahing bilihin gaya ng mga produktong bigas, tinapay, itlog, gatas, gulay, prutas, cooking oil at iba pang kasama pati essential medicines. Inatasan ng City Government of Manila ang Market Administration Office na ikalat ang…
Read MoreCHINESE NATIONAL TIMBOG SA ONLINE SCAM
INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na umano’y sangkot sa malawakang online scam activities, sa isinagawang joint operation kasama ang National Bureau of Investigation–Operative Technical Cyber Division (NBI-OTCD) at ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa Pasay City. Ayon sa ulat ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI, isinagawa ang operasyon noong gabi ng Nobyembre 4, sa Central Park Condominium, sa D. Jorge Street, Pasay City alinsunod sa mission order na inilabas laban kay Xiang Long Yiyu, na kilala rin bilang Sam…
Read MoreMga empleyado pinapasok kahit bagyo BPO COMPANIES IIMBESTIGAHAN – DOLE
IIMBESTIGAHAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang ulat na may BPO companies na sapilitang pinapasok ang kanilang mga empleyado sa kabila ng paghagupit ng Bagyong Uwan. Lahat ng regional directors ay inatasan nang iberipika ang mga ulat laban sa BPO companies na pinipilit umano ang kanilang mga empleyado na pumasok sa trabaho. Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, pagpapaliwanagin ang mga kumpanya kung bakit nila pilit na pinapasok ang mga manggagawa sa kabila ng mapanganib na kondisyon. Hindi aniya palalampasin ng DOLE ang anomang hakbang na naglalagay sa…
Read More4 DAYUHANG SEX OFFENDERS, PINIGIL NG BI
APAT na dayuhang mamamayan ang tinanggihan ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Clark International Airport (CIA), at Mactan-Cebu International Airport (MCIA) dahil sa pagiging rehistradong sex offender. Kabilang si Julian Johnson, 56, isang Amerikano na dumating sa CIA noong Oktubre 26, sakay ng eroplano ng Starlux Airlines mula sa Taipei City, sa mga hinarang sa paliparan. Nahatulan siya noong 1996 sa Estados Unidos dahil sa kasong acts of lasciviousness sa isang 14- anyos na bata at nasentensyahan ng isang taong pagkakulong at limang…
Read MoreP13.6-M SHABU NASAMSAM NG PDEA
ZAMBOANGA CITY – Umabot sa dalawang kilo ng crystal meth o shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P13.6 milyon, ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa inilunsad na joint anti-narcotics operation sa Barangay Talisayan, Zamboanga City. Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General USEC Isagani Nerez, nagsagawa ng buy-bust operation ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ng PDEA Regional Office IX (PDEA RO9), na nagresulta sa pagkakadakip sa itinuturing na high-value target at nasamsam ang dalawang kilograms ng hinihinalang shabu sa Barangay Talisayan,…
Read MoreAFP ‘di pa nagbaba ng alerto ST UWAN NAGTALA NG 2 PATAY, 2 SUGATAN
(JESSE RUIZ) DALAWA ang kumpirmadong patay at dalawa rin ang sugatan sa pananalasa ng Super Typhoon Uwan (international name: Fung-wong), ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Lunes ng umaga. Sa isang Zoom meeting, sinabi ni Office of Civil Defense Director Raffy Alejandro na isa sa mga nasawi ay nalunod sa Bato, Catanduanes, habang isa naman ang nasawi sa Catbalogan City, Samar matapos bumagsak ang isang wooden bridge. Patuloy namang bina-validate ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Management of the Dead and…
Read MorePI SA ‘BGC BOYS’ NG DPWH INIURONG
IPINAGPALIBAN ng Department of Justice (DOJ) ang nakatakdang preliminary investigation (PI) laban sa tatlong tinaguriang “BGC Boys” na sangkot sa limang reklamo kaugnay ng maanomalyang flood control projects sa Bulacan, dahil sa masamang panahon na dulot ng Bagyong Uwan. Ayon kay DOJ Spokesman Atty. Polo Martinez, ipinagpaliban ang pagdinig kasunod ng suspensyon ng pasok sa government offices na idineklara ng Malacañang sa pamamagitan ng isang executive order. Itinakda na ang pagpapatuloy ng PI sa Biyernes, Nobyembre 14, na siyang kauna-unahang pagdinig ng DOJ upang alamin kung may sapat na batayan…
Read MoreSOLON KAY BATO: PANINDIGAN TAPANG MO
HINAMON ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na tuparin ang kanyang pangako na haharapin ang mga kasong inihain laban sa kanya kaugnay ng “war on drugs”. “Dapat harapin ni Senator Bato itong kanyang mga kaso. Dapat niyang panindigan yung tapang niya dati na sinasabing haharapin niya ito,” ani Cendaña. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos kumalat ang ulat na posibleng dumulog sa korte ang kampo ni Dela Rosa upang pigilan ang arrest warrant na umano’y inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya.…
Read More