P13.6-M SHABU NASAMSAM NG PDEA

ZAMBOANGA CITY – Umabot sa dalawang kilo ng crystal meth o shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P13.6 milyon, ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa inilunsad na joint anti-narcotics operation sa Barangay Talisayan, Zamboanga City.

Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General USEC Isagani Nerez, nagsagawa ng buy-bust operation ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ng PDEA Regional Office IX (PDEA RO9), na nagresulta sa pagkakadakip sa itinuturing na high-value target at nasamsam ang dalawang kilograms ng hinihinalang shabu sa Barangay Talisayan, nitong nakalipas na linggo.

Kinilala ang nadakip na drug personality na si alyas “Gamar,” 41-anyos, tricycle driver at naninirahan sa Isabela City, Basilan.

Ang joint operation ay inilunsad katuwang ang PDEA RO9 Isabela City Office, PDEA RO9 Zamboanga City Office, PDEA RO9 Seaport Interdiction Unit-Zamboanga City, at PNP RMFB9.

Kabilang sa nasamsam sa anti-illegal drug operation ang hinihinalang shabu, caliber .40 pistol, boodle money, at iba’t ibang drug paraphernalia.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591.

(JESSE RUIZ)

71

Related posts

Leave a Comment