PRICE FREEZE SA MAYNILA IPINAG-UTOS

IPINAG-UTOS ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, ang ‘price freeze’ sa basic commodities.

Batay ito sa Republic Act 7851 o ‘The Price Act’, kaya kailangang manatili sa kasalukuyang presyo o ‘prevailing prices’ ang mga pangunahing bilihin sa loob ng 60-araw.

Nangangahulugan ito na naka-price freeze ang mga pangunahing bilihin gaya ng mga produktong bigas, tinapay, itlog, gatas, gulay, prutas, cooking oil at iba pang kasama pati essential medicines.

Inatasan ng City Government of Manila ang Market Administration Office na ikalat ang naturang impormasyon at matiyak na nasusunod ang rekomendasyon ng NDRRMC at ang ibinabang direktiba sa lahat ng pamilihan na nasasakupan ng lungsod.

Kasabay nito’y binalaan din ng lokal na pamahalaan ang mga negosyante na ang mga ‘di tatalima sa price freeze at mahuhuling nag-hoard, nagsagawa ng profiteering, at lalabag sa labag sa batas, ay may kaakibat na kaparusahan.

Nabatid na umaabot sa 400 families o mahigit 2 libong katao mula sa dalawang coastal barangays sa Maynila ang lumikas sa Delpan Evacuation Center kasunod ng pagtama ng malalakas na alon at tumataas na daluyong kaya napuwersa ang mga residente na iwan ang kanilang mga tahanan.

Ayon sa Manila Department of Social Welfare (MDSW), kabilang sa evacuees ang 200 families, o tinatayang 2,000 individuals, mula sa Barangay 20 sa Isla Puting Bato at 200 families mula sa Barangay 275 sa Parola, Binondo na kapwa flood-prone areas na nasa gilid ng Manila Bay.

“Bago pa man talaga nag-landfall ‘yung bagyo, naka-ready na po ang Delpan Evacuation Center para po sa mga pamilya na ililikas,” ani Raquel Tambuli, officer-in-charge ng District Welfare Office III.

(JESSE RUIZ)

62

Related posts

Leave a Comment