PI SA ‘BGC BOYS’ NG DPWH INIURONG

IPINAGPALIBAN ng Department of Justice (DOJ) ang nakatakdang preliminary investigation (PI) laban sa tatlong tinaguriang “BGC Boys” na sangkot sa limang reklamo kaugnay ng maanomalyang flood control projects sa Bulacan, dahil sa masamang panahon na dulot ng Bagyong Uwan.

Ayon kay DOJ Spokesman Atty. Polo Martinez, ipinagpaliban ang pagdinig kasunod ng suspensyon ng pasok sa government offices na idineklara ng Malacañang sa pamamagitan ng isang executive order.

Itinakda na ang pagpapatuloy ng PI sa Biyernes, Nobyembre 14, na siyang kauna-unahang pagdinig ng DOJ upang alamin kung may sapat na batayan para isampa sa korte ang mga kaso laban sa ilang district engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Bulacan.

Dagdag ni Martinez, sa naturang petsa ay matatanggap ng mga respondent ang opisyal na kopya ng mga reklamo laban sa kanila.

Kabilang sa mga sasailalim sa imbestigasyon ang mga dating DPWH engineers na sina Henry Alcantara, Brice Hernandez, at Jaypee Mendoza.

(JULIET PACOT)

68

Related posts

Leave a Comment