P84-M MEGA LOTTO JACKPOT, NATUMBOK SA CUBAO

NAHAGIP na ang jackpot prize ng MegaLotto 6/45 matapos mahulaan ng maswerteng mananaya ang winning combination, ayon kay PCSO General Manager at Vice-Chairperson Melquiades “Mel” Robles. Ang swerteng ticket ay nabili sa Lucky Circle Corporation sa SM Cubao Department Store, Araneta Center, Quezon City. Nahulaan nito ang kombinasyon na 29-22-25-37-41-34, na nagbigay sa may-ari ng premyong P84,182,510.00. Samantala, 18 indibidwal ang nakakuha ng limang kombinasyon at tig-P32,000 bawat isa. Binobola ang MegaLotto 6/45 tuwing Lunes, Miyerkoles, at Biyernes. Hindi naman nahulaan ang kasabay na draw ng GrandLotto 6/55, na may…

Read More

11 NASAWI SA ROAD MISHAP, MAY PAGKAKAKILANLAN NA

MAY hawak nang pagkakakilanlan ang PNP Police Regional Office 5 sa labing-isang nasawi kabilang ang isang kagawad ng Philippine Navy, sa malagim na aksidente sa lansangan matapos na araruhin ng truck ang isang UV Express na may sakay na 14 na katao sa bypass road ng Camalig, Albay noong Miyerkoles. Ayon kay PMaj. Karlo Dy, hepe ng Camalig Municipal Police Station, sa kanyang ulat sa Albay PPO, ang mga nasawi ay kinabibilangan ng apat na lalaki at pitong babae na pawang sakay ng UV Express, kabilang na ang driver nito.…

Read More

PAGKAMATAY NG 7 KATAO SA KARAHASAN SA KIDAPAWAN KINONDENA NG OPAPRU

MARIING kinondena ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang nangyaring madugong karahasan sa Kidapawan City sa lalawigan ng North Cotabato, na ikinamatay ng pitong armadong kalalakihan dahilan upang lumikas ang mga residente sa lugar. “We are deeply saddened by this senseless loss of life. We extend our heartfelt sympathies and condolences to the bereaved families of those who perished. No dispute, regardless of its history or complexity, justifies the taking of human lives,” ani OPARU Secretary Carlito Galvez. Ayon kay Sec. Galvez, lubhang nakababahala…

Read More

DATING KONGRESISTA, IBA PA KINASUHAN SA P286-M ‘GHOST FLOOD PROJECT’

NAHAHARAP sa kasong pandarambong sa Ombudsman ang anak ni dating House Speaker Jose de Venecia kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects sa Pangasinan. Si dating Pangasinan 4th District Congressman Christopher ‘Toff’ de Venecia ay sinampahan ng patung-patong na kasong grave misconduct, plunder, at malversation of public funds ng Samahan ng mga Operator at Tsuper ng Traysikel ng Pangasinan sa pangunguna ni Jaime Gutierrez-Aquino. Nag-ugat ang kaso sa umano’y sabwatan sa pagitan ng dating kongresista at ilang opisyal ng DPWH kaugnay ng ghost projects sa Sitio Dalumat, Pangasinan na nagkakahalaga…

Read More

SIGAW NG MANGGAGAWA: GOBYERNONG KORAP BUWAGIN, REPORMA ISINULONG

IGINIIT ng mga grupo tulad ng Manlaban Coalition at Manggagawa Laban sa Bulok na Sistema, Pribatisasyon at Korapsyon ang agarang pagbuwag sa gobyernong umano’y bulok at korap. Sa kanilang pananaw, ang talamak na katiwalian at bulok na pampulitikang sistema ang nagpapahina sa demokratikong institusyon at nag-aalis sa Filipino ng tapat na serbisyo publiko. Sa press conference noong Huwebes, sinabi ni Atty. Luke Espiritu, presidente ng Bukluran ng Manggagawa, na ang korupsyon sa bansa ay hindi lamang gawa ng mga indibidwal kundi bunga ng kulturang pampulitika na nagbibigay proteksyon sa mga…

Read More

SAN LAZARO RESIDENCES PINASINAYAAN SA MAYNILA

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Huwebes ang inagurasyon ng San Lazaro Residences sa Sta. Cruz, Manila, isang proyekto na nagbibigay pabahay sa mahihirap at mga government employees na Salary Grade 18 pababa. Pinuri ng Pangulo ang inisyatiba ng Lungsod ng Maynila at ang Manila Urban Housing Ordinance na nagtatakda ng pormal na pabahay para sa mga benepisyaryo. “Pagka nakita ng ibang LGU ito, gagayahin nila. Napakagandang modelo ito,” ani Marcos. Nagbiro rin ang Pangulo kay Mayor Isko Moreno, na itinalagang pinaka-mahusay sa pagpapatakbo ng housing projects sa lungsod,…

Read More

HEALTH SECRETARY HERBOSA, KINASTIGO SA HINDI UPDATED NA CASE RATES NG PHILHEALTH

NAGING mainit ang interpelasyon ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa panukalang budget ng Department of Health. Ito ay nang kastiguhin ni Cayetano si Health Secretary Ted Herbosa dahil sa anya’y hindi updated at hindi makatwirang case rates ng Philhealth. Sa deliberasyon, pinuna ng senador ang palaging anunsyo ng DOH kaugnay sa zero balance billing subalit hindi naman totoo dahil may mga binabayaran pa rin ang mga pasyente. Idinagdag pa ni Cayetano na pitong taon nang hindi updated ang case rates ng Philhealth o ang sinasaklaw na bayarin ng…

Read More

ZALDY CO PURO INGAY, WALANG EBIDENSYA – GOITIA

NAGLABAS muli si dating kongresista Zaldy Co ng panibagong video kung saan idinadawit niya si First Lady Liza Araneta Marcos, pati na rin ang kapatid nito, sa umano’y rice at onion cartel. Sa bagong video, pinalawak pa niya ang akusasyon at isinama na rin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos. Pero tulad ng dati, wala siyang ipinakitang ebidensya, at agad na itinuturo ng mga opisyal ang mga butas sa kanyang kuwento. Tinawag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na “total baloney” at…

Read More

Koneksiyon ni Usec Faye sa ‘Insertions Mafia’ sa DICT pinabusisi sa Senado at ICI

MARIING kinalampag nitong mga nagdaang araw ang Senado at Independent Commission for Infrastructure (ICI) ng mga panawagang imbestigahan din ang tinawag na ‘Insertion Mafia’ sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na ibinulgar kamakailan ng isang digital news platform. Sa nasabing news report ay pinangalanan ang isang Usec Faye De Sagon na bahagi umano ng ‘kickback scheme’ ng grupong sinasabing nasa likod ng pagsingit ng bilyon-pisong pondo sa badyet ng national government para sa DICT. Iba’t ibang mga komento pero nagkakaisa ang panawagan ng netizens sa social media na…

Read More