ATONG ANG POSIBLENG NASA CAMBODIA O THAILAND – DILG

POSIBLENG tumakbo na umano sa Cambodia o Thailand ang puganteng si Charlie “Atong” Ang, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla. Sa isang phone interview ng PNP Press Corps, sinabi ni Remulla na may mga ulat na patuloy ang operasyon ng online sabong ni Ang sa Cambodia. Ayon sa Kalihim, posibleng nakapag-set up na ng network si Ang sa nasabing bansa, base sa impormasyong kanilang nakalap at sa pahayag ng star witness na si Dondon Patidongan. Posible rin umanong nagkaroon ng exodus patungong Cambodia at Thailand ang operasyon ng online sabong,…

Read More

RUSSIAN VLOGGER NANAKOT MAGPAPAKALAT NG HIV, ARESTADO NG BI

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Russian vlogger matapos manakot online na magpapakalat ng HIV sa Pilipinas. Ang nasabing video ay nag-viral kaya agad inaresto ang dayuhan ng mga tauhan ng Immigration Fugitive Search Unit. Kinilala ang naturang dayuhang vlogger na si Nikita Chekhov na natagpuan sa loob ng isang condominium building sa Quezon City. Ayon sa impormasyon mula sa BI, dumating ang dayuhang vlogger noong ika-15 ng Enero. Sa kanyang pagdating sa bansa, nag-video ito sa commercial district o sa Bonifacio High Street sa Taguig City kung…

Read More

DOJ, PINABULAANANG MAY ‘SPECIAL TREATMENT’ SI ATONG ANG SA NBI

Mariing pinabulaanan ni Justice Secretary Fredderick Vida ang alegasyong malakas umano si gambling tycoon Atong Ang sa National Bureau of Investigation (NBI), kaya hindi ito isinasama sa manhunt dahil sa sinasabing koneksyon ng ilang ahente sa negosyante. “I definitely deny that there are such instructions, even from the Secretary of Justice, nor in any of my discussions with NBI Director Lito Magno,” pahayag ni Vida sa media nitong Huwebes. Ayon sa kalihim, lahat ng law enforcement agencies ay saklaw ng utos ng korte at magkakatuwang sa pagpapatupad ng batas upang…

Read More

Pilipinas hindi isusuko WPS sa China GOITIA: WALANG PUWANG ANG PANANAKOT

BINIGYANG-DIIN ni Dr. Jose Antonio Goitia na walang puwang ang pananakot at hindi uurong ang Pilipinas sa paggiit ng soberanya at katotohanan sa West Philippine Sea (WPS), kasunod ng palitan ng pahayag nina Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Jay Tarriela at ng Chinese Embassy sa Maynila. Ayon kay Goitia, hindi simpleng sagutan ang naging palitan kundi isang hayagang tangka umano ng China na patahimikin ang Pilipinas at subukin ang paninindigan nito sa WPS. “Makatotohanang ebidensya at hindi propaganda ang inilalahad ng Coast Guard. Hindi nagiging mali ang katotohanan dahil lamang…

Read More

P33-M FMR MAGBUBUKAS NG OPORTUNIDAD SA ARBs sa NEGROS ISLAND

NANINIWALA ang Department of Agrarian Reform (DAR) na mas ligtas at mas mabilis na ngayon ang pagdadala ng ani sa pamilihan ng agrarian reform beneficiaries (ARB) sa Barangay Cabcaban, Bindoy, Negros Oriental matapos pormal na ipa-turnover ng DAR Negros Island Region ang bagong P33-milyong farm-to-market road (FMR). Sinabi ng DAR, ang 1.26-kilometrong kalsada, na naisakatuparan sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Bindoy, ay nagpapahusay sa araw-araw na access ng mga ARB sa mga pamilihan, farm inputs at pangunahing serbisyo. Malaki rin ang naitutulong nito sa pagbawas ng gastusin at…

Read More

Nagtalo sa hatian sa ari-arian MISIS PATAY SA PANANAGA NG DATING MISTER

QUEZON – Nauwi sa trahedya ang muling pagkikita ng dating mag-asawa sa Brgy. Liwayway, sa bayan ng Mauban sa lalawigan habang nagtatalo sa hatian ng kanilang ari-arian. Tinaga ng lalaki gamit ang karit ang kanyang dating misis na 44-taong gulang, na agad namatay. Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek habang natagpuan ng mga pulis sa lugar ang ginamit na patalim sa krimen. Kalaunan ay sumuko ang 47-taong gulang na suspek sa Brgy. Paharang Ace, Batangas City. Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong murder na isasampa sa suspek. (NILOU…

Read More

RESPONDER SA GUMUHONG BINALIW LANDFILL PATAY SA IMPEKSYON

HINDI lamang mga biktima ng trahedya ang iniwan ng Binaliw landfill landslide, kundi pati na rin ang isang tahimik na bayani na nag-alay ng lakas at oras para sa kapwa. Isang 50-taong gulang na volunteer responder mula sa Toledo City, Cebu ang pumanaw matapos makaranas ng malubhang impeksiyon na nauwi sa sepsis, ilang araw matapos siyang makilahok sa search-and-rescue operation sa mga natabunan ng landslide. Ayon sa ulat ng BFP 7 – Cebu City Fire Station, kinumpirma ni Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) head at Councilor…

Read More

18-ANYOS PATAY SA SAKSAK NG KAPWA ESTUDYANTE

BATANGAS – Patay ang isang 18-taong gulang na estudyante matapos saksakin ng kapwa mag-aaral sa harap ng kanilang paaralan sa Brgy. Poblacion Zone 2, sa bayan ng Taal sa lalawigan noong Martes ng hapon, Enero 20. Ayon sa Taal Municipal Police Station, isinugod ang biktima sa Our Lady of Caysasay Medical Center sa Lemery, Batangas dahil sa mga tama ng saksak sa tiyan ngunit idineklarang wala nang buhay ng attending physician. Lumabas sa imbestigasyon na bandang alas-3 ng hapon nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspek sa…

Read More

P33.1-M JACKPOT SA MEGALOTTO 6/45 PAGHAHATIAN NG DALAWANG MANANAYA

MAGHAHATI ang dalawang maswerteng mananaya sa jackpot prize ng MegaLotto 6/45 sa katatapos na draw nitong Miyerkoles ng gabi. Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Vice Chairman at General Manager Melquiades “Mel” Robles, parehong nahulaan ng dalawang bettors ang winning combination na 28-12-02-15-23-13, na may kabuuang premyong P33,193,409.20. Nabili ang mga nanalong tiket sa Davao del Sur at Maynila, habang 92 iba pang mananaya ang tatanggap ng tig-P32,000 matapos makahula ng limang tamang numero. Isinasagawa ang MegaLotto 6/45 draws tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Upang makuha ang premyo, kailangang…

Read More