MAGHAHATI ang dalawang maswerteng mananaya sa jackpot prize ng MegaLotto 6/45 sa katatapos na draw nitong Miyerkoles ng gabi.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Vice Chairman at General Manager Melquiades “Mel” Robles, parehong nahulaan ng dalawang bettors ang winning combination na 28-12-02-15-23-13, na may kabuuang premyong P33,193,409.20.
Nabili ang mga nanalong tiket sa Davao del Sur at Maynila, habang 92 iba pang mananaya ang tatanggap ng tig-P32,000 matapos makahula ng limang tamang numero.
Isinasagawa ang MegaLotto 6/45 draws tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes.
Upang makuha ang premyo, kailangang personal na magtungo ang mga nanalo sa PCSO main office sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City, dala ang orihinal na tiket at dalawang balidong identification card.
(TOTO NABAJA)
36
