QUEZON – Nauwi sa trahedya ang muling pagkikita ng dating mag-asawa sa Brgy. Liwayway, sa bayan ng Mauban sa lalawigan habang nagtatalo sa hatian ng kanilang ari-arian.
Tinaga ng lalaki gamit ang karit ang kanyang dating misis na 44-taong gulang, na agad namatay.
Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek habang natagpuan ng mga pulis sa lugar ang ginamit na patalim sa krimen.
Kalaunan ay sumuko ang 47-taong gulang na suspek sa Brgy. Paharang Ace, Batangas City.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong murder na isasampa sa suspek.
(NILOU DEL CARMEN)
41
