MALACAÑANG KAY ROQUE: FAKE NEWS KA NA NAMAN

“KASINUNGALINGAN na naman!” Ito ang reaksyon ng Malacañang sa pahayag ni dating presidential spokesperson Harry Roque na umano’y nais nang makipag-ayos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, mas dapat umanong pagtuunan ng pansin ng kampo ng Bise Presidente ang pagtatrabaho kaysa pamumulitika. “Kasinungalingan na naman! Dapat ang iniisip nila ngayon ay serbisyo muna bago pamumulitika,” ani Castro. Nauna rito, sa isang video na ibinahagi ni Roque sa kanyang Facebook page noong Lunes,…

Read More

Sa pagsusumite ng counter-affidavit DOJ MAY ULTIMATUM KAY SEN. JINGGOY

NAGLABAS ng ultimatum ang Department of Justice (DOJ) hanggang Marso 9 para magsumite ng counter-affidavit si Jinggoy Estrada at iba pa niyang kasamahan na sangkot sa kasong plunder na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI). Ayon kay DOJ Spokesperson Polo Martinez, nadagdagan ang respondents at ebidensya sa reklamong inihain ng NBI. Binigyan din ng mga piskal ang NBI hanggang Pebrero 26 upang magsumite ng mga kopya ng ebidensya sa mga respondent. Kapag natanggap na ang mga dokumento, magkakaroon ang mga respondent hanggang Marso 9, 2026 upang isumite ang kanilang…

Read More

‘MALETA SCHEME’ PINAKAKALKAL SA SENADO

(DANG SAMSON-GARCIA) PINABUBUSISI ni Senador Imee Marcos sa kaukulang komite ng Senado ang umano’y money delivery scheme na iniuugnay sa 18 dating sundalo at kay dating Cong. Zaldy Co. Sa kanyang Senate Resolution No. 317, iginiit ni Marcos na dapat nang imbestigahan ang mga alegasyon “para sa taumbayan” at upang mabatid ang katotohanan. Hinamon din niya ang mga dating sundalo na humarap sa pormal na imbestigasyon at ilahad ang ebidensya sa ilalim ng panunumpa. “Kung may paratang, ilatag ninyo nang malinaw. Kung may ebidensya, ilabas ninyo nang buong tapang. Kumbaga…

Read More

‘HARI’ NG BULACAN

CLICKBAIT ni jO BARLIZO KUNG si Gloc 9 ay may “Hari ng Tondo”, aba meron din daw ang Bulacan. Pero ‘di tulad ng kanta ni Gloc 9, ngayon lang nabalatan itong taga-Bulacan, kung hindi pa inangasan ang isa sa mga anak ng Presidente. Nitong nagdaang weekend kasi, umingay sa social media na isa sa mga anak ni Pangulong Bongbong Marcos ang nasangkot sa ‘road rage’ matapos mag-overtake sa isang convoy sa bahagi ng NLEX. Sino ang ‘makapangyarihang’ sakay ng convoy na pumalag at kinompronta ang nag-overtake na sasakyan ng makapangyarihan…

Read More

GRACE VS JUDGMENT SA LOOB NG TAHANAN

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN NANG mapakinggan ko ang naging pahayag ni Alvin Aragon sa DWAR Abante Radyo, hindi galit ang unang nanatili sa akin. Sa halip, ang tumatak ay ang bigat ng mga salitang binitiwan niya. Ang sabihan ang isang tao na “Itatapon ka ng Diyos sa impiyerno” dahil lamang sa kung sino siya, ay hindi simpleng pahayag. Mabigat iyon at may dalang takot. At kapag ang ganitong mensahe ay ibinato sa sarili mong kapamilya, mas lalo itong sumasakit at mas mahirap dalhin. Maaaring sa publiko niya ito…

Read More

DEKLARASYON NI VP SARA NAGBIGAY NG LAKAS NG LOOB SA MGA PINOY

PUNA ni JOEL O. AMONGO MAKALIPAS lang ang ilang araw, matapos na magdeklara si Vice President Inday Sara Duterte na tatakbo siyang presidente sa 2028 presidential election, ay agad nang lumantad ang labing-walong (18) mga dating sundalo ng Philippine Marines. Sa pamamagitan ng press conference na pinangunahan ni Lito Baligod, isa-isang niyang binanggit ang mga pangalan ng 18 mga dating sundalo. Kinumpirma nila na dati silang naging mga tauhan ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, na dati ring naging chairman ng House Committee on Appropriations, na itinalaga ni…

Read More