Sa pagsusumite ng counter-affidavit DOJ MAY ULTIMATUM KAY SEN. JINGGOY

NAGLABAS ng ultimatum ang Department of Justice (DOJ) hanggang Marso 9 para magsumite ng counter-affidavit si Jinggoy Estrada at iba pa niyang kasamahan na sangkot sa kasong plunder na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay DOJ Spokesperson Polo Martinez, nadagdagan ang respondents at ebidensya sa reklamong inihain ng NBI. Binigyan din ng mga piskal ang NBI hanggang Pebrero 26 upang magsumite ng mga kopya ng ebidensya sa mga respondent.

Kapag natanggap na ang mga dokumento, magkakaroon ang mga respondent hanggang Marso 9, 2026 upang isumite ang kanilang counter-affidavits.

Hindi muna isinapubliko ang pagkakakilanlan ng mga nadagdag na respondent.

(JULIET PACOT)

2

Related posts

Leave a Comment