KUMALAS ang ilang mambabatas sa isinusulong na anti-political dynasty bill matapos tawaging “mahina” ang bersyong inaprubahan ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms. Binawi ni Caloocan Rep. Edgar Erice ang kanyang House Bill No. 2037 kasunod ng pag-apruba ng substitute bill na inakda nina House Speaker Faustino Dy at Majority Leader Ferdinand Sandro Marcos. Sa ilalim ng substitute bill, hanggang second degree of consanguinity lamang ang saklaw ng pagbabawal na malayo sa orihinal na panukalang hanggang fourth degree. Para kay Erice, hindi ito tunay na anti-dynasty law. “It is…
Read MoreDay: March 5, 2026
PCO, MGA PUBLISHER NAGKAISA SA ‘OPLAN KONTRA FAKE NEWS’
LUMAGDA ang Presidential Communications Office at mga print media publisher sa isang memorandum of understanding para sa “Oplan Kontra Fake News.” Pinangunahan ni PCO Secretary Dave Gomez ang MOU signing sa Kalayaan Hall sa Malacañang. Ayon kay Gomez, ang misinformation at disinformation ay parang “venom that poisons the hearts and minds of the people.” Kabilang sa mga lumagda ang mga kinatawan ng INQUIRER, Manila Bulletin, Philippine Star, BusinessWorld, Daily Tribune, BusinessMirror, Manila Standard, Malaya Business Insight, at Manila Times. Sinabi ni INQUIRER representative Paolo Prieto na ang inisyatiba ay “timely…
Read MorePROTEKSYON SA REMITTANCES NG OFWs ISINUSULONG NI MARK VILLAR
KATUWANG si Senador Mark Villar sa pagsusulong ng Senate Bill No. 1917 o ang overseas Filipino Workers Remittance Protection Act bilang pagkilala sa napakahalagang ambag ng mga OFW sa bansa. Sa talumpati ng senador, binigyang-diin niya ang hindi matatawarang kontribusyon ng mga OFW sa ekonomiya ng Pilipinas. Noong 2025 lamang, umabot sa rekord na $35.63 bilyon ang remittances, na katumbas ng humigit-kumulang 7.3% ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa. “Dahil sa mahalagang ambag na ito ng mga OFW sa ating ekonomiya, kinakailangang tiyakin natin ang proteksyon ng kanilang pinaghirapang…
Read MoreMatapos ‘bugbugin’ sa socmed SUNTAY NAG-SORRY KAY ANNE CURTIS
HUMINGI ng paumanhin si Quezon City Rep. Bong Suntay sa aktres na si Anne Curtis matapos umani ng batikos ang kanyang naging pahayag sa pagdinig ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Mistulang gulpi-sarado ang inabot ng mambabatas sa mga netizen matapos magpahayag ng pagkadismaya ang ilang indibidwal kabilang ang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis-Smith. Halos iisa ang pananaw ng netizens na may halong kabastusan ang pahayag ng mambabatas laban sa isang babae. “…there was no malice intended, and we apologize to her,” ani Suntay,…
Read More18 EX-SUNDALO, BALIGOD AT DEFENSOR AÑO, SINAMPAHAN NG REKLAMO ANG SA DOJ
RUMESBAK si National Security Adviser Eduardo Año at naghain ng reklamo sa Department of Justice laban sa 18 dating sundalo, pati kina Atty. Levi Baligod at dating kongresista Mike Defensor. Ito’y kaugnay sa alegasyong tumanggap umano siya ng pera sa sinasabing malawakang corruption scheme sa gobyerno. Kinasuhan ni Año ang mga ito ng paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code at Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012. “I have to protect my name. I will not sell my name to anyone,” ani Año, sabay giit…
Read More