CURLEE DISCAYA SASALANG SA OPERASYON

INILABAS kahapon ng umaga sa gusali ng Senado ang contractor na si Pacifico ‘Curlee’ Discaya para dalhin sa pagamutan dahil sa kanyang schedule na operasyon sa kanang balikat.

Ayon kay Senate Secretary Mark Llandro Mendoza, posibleng tumagal sa pagamutan si Discaya ng apat hanggang pitong araw bago muling ibalik sa Senado para sa kanyang recovery.

Hindi na nakaposas nang isinakay si Discaya sa ambulansya at inilabas sa compound ng Senado na may police escorts.

Tiniyak naman nina Mendoza at Senate Sgt At Arms Rene Samonte na bantay sarado pa rin nila si Discaya sa pagamutan.

Inihayag din ni Mendoza na limitado lamang sa mga miyembro ng pamilya at mga abogado ang maaaring bumisita sa contractor at bawal pa ring gumamit ng sariling cellphone.

(DANG SAMSON-GARCIA)

105

Related posts

Leave a Comment