LALAKI PATAY SA KAPWA RIDER

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung onsehan sa droga ang dahilan ng pagpatay sa isang motorcycle rider na binaril ng kapwa rider sa General Trias City noong Martes ng hapon. Naisugod pa sa General Trias Medicare Hospital ang biktimang si alyas “Ed”, 37, binata, ng Gen. Trias City, subalit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng bala sa ulo. Tinutugis naman ang suspek na kinilalang si alyas “Poks” na sakay ng kanyang itim na motorsiklong Yamaha Mio na may plakang 757UZO, na tumakas matapos ang insidente. Nabatid…

Read More

SUSPEK SA HAZING SUMUKO, PINALAYA; 15 IBA PA PINAGHAHANAP

SUMUKO ngunit agad ding pinakawalan ang 23-anyos na suspek sa hazing matapos bawiin ang kanyang pag-amin sa payo ng abogado. Ayon kay PLtCol Bismarck Mendoza, hepe ng Gen. Trias Component City Police Station, hindi maaaring gamitin laban sa suspek ang boluntaryong pagsuko at pag-amin kung walang extrajudicial confession. Ang suspek na si “alyas John,” 4th year maritime student ng Philippine Nautical and Technological Colleges – Dasmariñas at miyembro umano ng Tau Gamma Phi, ay kusang sumuko kay Gen. Trias City Mayor Jonjon Ferrer bago itinurn-over sa pulisya. Nabatid na si…

Read More

PNP NAGBABALA SA POSIBLENG DISGRASYA SA RILES NA TINAMBAKAN NG LUPA

QUEZON – Nagkaroon ng aberya sa riles ng tren matapos tambakan ng lupa ang isang barangay road crossing sa bayan ng Candelaria sa lalawigan. Ayon sa mga residente, nagpasya umanong tambakan ng makapal na lupa ang bahagi ng riles dahil nahihirapan umanong makatawid ang mga tricycle sa lugar na sakop ng Barangay Taguan. Itinuro pa ng ilang residente ang barangay bilang umano’y nagpasimuno ng naturang hakbang. Ngunit itinanggi ng mga opisyal ng barangay ang alegasyon at sinabing wala silang inilabas na utos para tambakan ang riles. Sa halip, itinuro nila…

Read More

21 PERSONS OF INTEREST SA HAZING SA CAVITE

TINATAYANG nasa 21 indibidwal ang mga suspek at persons of interest sa hazing sa 19-anyos na estudyante sa General Trias, Cavite. Ayon kay Cavite Police Provincial Office Director Police Colonel Ariel Red, nananatili sa kustodiya ng General Trias City Component Police Station ang driver na siyang nagdala sa biktima sa ospital. Aniya, walang katotohanan ang ulat na pinalaya ang naturang driver, binigyan lamang umano ito ng pagkakataong kumuha ng sariling abogado. Nakatakda namang isailalim ito sa inquest proceedings sa Dasmariñas City Prosecutor’s Office nitong Miyerkoles, dahil sa paglabag sa Anti-Hazing…

Read More

2 IMPEACHMENT COMPLAINT VS VP SARA ‘SUFFICIENT IN SUBSTANCE’

UUSAD na sa presentasyon ng ebidensya ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte matapos ideklara ng House Committee on Justice na “sufficient in substance” ang ikatlo at ikaapat na reklamo. Parehong nakakuha ng 54 boto pabor, isa ang tutol at walang abstention ang reklamong inihain nina Fr. Joel Saballa at Atty. Nathaniel Cabrera. Ang ikatlong reklamo, inendorso ni Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima, ay nakasentro sa umano’y ilegal na paggamit ng P612.5 milyong confidential funds, korapsyon sa Department of Education noong kalihim pa si Duterte, at pagbabanta…

Read More

VAT BAWASAN KAYSA EXCISE TAX SUSPENSION SA OIL PRODUCTS

MAS nais ni Senador Imee Marcos na bawasan ang 12% VAT sa produktong petrolyo sa halip na alisin ang excise tax. Ayon sa senadora, mas maliit ang mawawala sa gobyerno kung VAT ang gagalawin kumpara sa excise tax na malaking bahagi ng koleksyon ng estado. Iminungkahi rin niya ang paghahanap ng alternatibong mapagkukunan ng langis at pagpasok sa mas stable at long-term contracts sa regional partners. Gayundin, dapat anyang gamitin ang pagiging chairman ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN kung saan miyembro ang ilang oil producing countries tulad…

Read More

KAMPANYA VS ‘BASAG-KOTSE’ MAS PINAIGTING NG QCPD

MAS pinaigting ng Quezon City Police District (QCPD), sa pamumuno ni PBGen. Randy Glenn Silvio, ang kampanya laban sa pagnanakaw, partikular ang “basag-kotse” modus operandi, sa pamamagitan ng sustained at focused police operations. Sinabi ng QCPD, mula Enero 2025 hanggang Pebrero 2026, nakapagtala ang QCPD ng kabuuang 20 kaso ng “basag-kotse”. Sa mga ito, 11 kaso ang nalutas, walo ang na-clear, at ang isa ay nananatiling nasa ilalim ng imbestigasyon. Ayon sa QCPD, ang mga pagsisikap na ito ay humantong sa pagkakaaresto sa 10 indibidwal na sangkot sa nasabing ilegal…

Read More

PILIPINAS ‘DI MADADAMAY SA IRAN WAR — DND

WALANG batayan ang pangambang masasangkot ang Pilipinas sa giyera sa pagitan ng US-Israel at Iran. Ito ang tiniyak ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., sabay sabing ang mga alyansa ng bansa ay para lamang sa depensa at deterrence. Ayon sa Department of National Defense DND), mali at walang intelihensiyang basehan ang kumakalat na social media posts na maaaring targetin ng Iran ang EDCA sites sa bansa. Nagbabala rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa disinformation na layong maghasik ng takot. Iginiit ng AFP na ang Enhanced Defense…

Read More

4-DAY WORK WEEK, WFH ALTERNATIBO PARA TIPID-PETROLYO

MAAARING pag-aralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mungkahing 4-day work week at work-from-home (WFH) scheme para makatipid sa paggamit ng petrolyo sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, bukas ang Pangulo na suriin ang suhestiyon kung lalala pa ang Israel-Iran conflict. “Sa ngayon po ay maaaring pag-aralan ng Pangulo ang ganyang suhestiyon lalo na kung magiging malala pa ang nangyayaring Israel-Iran issue,” ani Castro, sabay linaw na hindi pa ito napag-uusapan sa gabinete. Nauna nang iminungkahi…

Read More