CLICKBAIT ni JO BARLIZO SABI na nga ba, masasapol ng mega oil price hike ang inflation. Bumilis ang antas ng pagmahal ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong Marso matapos ang walang patid na malakihang taas-presyo ng mga produktong petrolyo. Ayon sa Philippine Statistics Authority, 4.1 percent ang inflation rate nitong Marso, mas mataas kumpara sa naitalang 2.4 percent noong Pebrero. Ayon sa PSA, may malaking ambag ang sektor ng transportasyon sa pagbilis ng inflation bunsod ng tuloy-tuloy na pagmahal ng mga produktong petrolyo. Gaya ng sinabi ni PSA…
Read MoreDay: April 10, 2026
PAGBIBITIW NG BOC OFFICIALS ‘DI MATAPOS-TAPOS
LINAWIN NATIN! ni ARDEE DELLOMAS TILA hindi na matapos-tapos ang isinasagawang pagbibitiw sa pwesto ng matataas na mga opisyal sa Bureau of Customs (BOC) sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Ariel Nepomuceno. Napag-alaman natin mula sa isang maaasahang source, na bumitiw siya sa pwesto kamakailan lamang. Sa taong ito, pangalawa siya sa nagkusang umalis sa pwesto pagkatapos ni dating Deputy Commissioner for Internal Administration Michael Cristobal Fermin. Maaalala natin na nag-resign si Fermin for “personal and security reasons.” Ano nga ba ang nagtulak sa bagong opisyal ng BOC para siya…
Read MoreYAP-LUMONTAD: MGA NUMERO ANG SAGOT SA INTRIGA
ON THE LEVEL ni JUNEX DORONIO SA gitna ng mga walang basehang intriga na ibinabato laban kay District Collector Alexandra Yap-Lumontad ng Bureau of Customs Port of Cebu, malinaw na ang pinakamabisang sagot ay hindi salita—kundi konkretong resulta. At kung pagbabatayan ang pinakahuling datos ng Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu, hindi maikakaila ang tuloy-tuloy na pag-angat ng koleksyon sa ilalim ng kanyang pamumuno. Noong Marso 2026, muling nalampasan ng Port of Cebu ang itinakdang buwanang target. Umabot sa Php 4,342,166,104.52 ang kabuuang koleksiyon—lampas sa target na Php 4,320,972,985.51—na…
Read MoreBIÑAN CITY MAYOR GEL ALONTE, NAMAHAGI NG P5,000 CASH RELIEF SA TRICYCLE DRIVERS
TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, nagpakita muli ng malasakit sa mamamayan ang lokal na pamahalaan ng Biñan sa pangunguna ni Mayor Gel Alonte. Ito’y sa pamamagitan ng pamamahagi ng P5,000 cash relief assistance sa higit 5,500 tricycle drivers sa lungsod. Nabatid na ang tulong na ito ay bahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) IV-A. Ang hakbang na ito ay hindi lamang simpleng pera para sa pamasahe at fuel, kundi…
Read MoreMARCOS SA MGA PINOY: KAGITINGAN ISABUHAY ARAW-ARAW
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na isabuhay ang kagitingan sa bawat desisyon, pagtulong sa kapwa, at paninindigan sa tama. Sa kanyang mensahe para sa Araw ng Kagitingan ngayong Abril 9, binigyang-pugay ng Pangulo ang tapang at sakripisyo ng mga Pilipinong lumaban para sa kalayaan ng bansa. “Maaaring iba na ang mga hamon natin ngayon, ngunit hindi nagbabago ang kailangan upang tayo ay manaig: malasakit, pagkakaisa, at pagmamahal sa bansa,” ani Marcos. Binigyang-diin din niya na ang tunay na lakas ng bansa ay nasusukat hindi lamang sa…
Read MorePBBM, GIBO NAKIISA SA ARAW NG KAGITINGAN SA BATAAN
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ika-84 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Mount Samat National Shrine bilang pag-alala sa kabayanihan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano noong World War II. Dumalo rin si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., kasama ang mga opisyal ng gobyerno, diplomat, beterano, at kabataan. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng Pangulo ang sakripisyo ng mga bayani ng Bataan at ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalayaan at soberanya ng bansa. Kasama sa seremonya ang wreath-laying, bell ringing, at paglalantad ng Czechoslovak marker bilang pagkilala sa mga…
Read MoreP25K SUBSIDY SA MGA PANADERO SA MAYNILA, LAYON ANG TINAPAY PRICE FREEZE
MAGBIBIGAY ng tig-P25,000 ayuda ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga local bakery upang hindi agad tumaas ang presyo ng tinapay sa gitna ng krisis sa mga sangkap. Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ipinatawag niya ang mga panadero upang personal na alamin ang kanilang kalagayan at agad silang matulungan. Giit ng alkalde, mahalaga ang pandesal bilang simbolo ng almusal ng pamilyang Pilipino—mayaman man o mahirap. Kapalit ng subsidy, nangako ang mga panaderya na pananatilihing stable ang presyo ng pandesal, pan de lemon, monay at Spanish bread sa loob ng…
Read More