MGA ILEGAL NA MINIMINA SA ATING LIKAS NA YAMAN

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA ANYARE na raw sa illegal mining ng black sand sa San Marcelino at Botolan, Zambales, may kinasuhan na ba ang DENR tungkol dito? Ginagamit kasi ang black sand sa pag-extract ng ginto, iba pang mineral, bukod sa ginagamit ito na sangkap sa paggawa ng steel, sabi sa pag-aaral. Ang kumalat na balita, nagamit ang black sand at iba pang uri ng buhangin sa pagtatayo ng military at naval bases ng China sa Spratlys, at hindi na sekreto kung sino ang nagkamal ng milyong-milyong dolyar…

Read More

REKLAMO NG ELECTRIC COOPS SA PAMUNUAN NG NEA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO TILA sutil pa rin daw ang ilang appointed official ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ‘Yun bang hindi sumusunod sa adhikain ng administrasyon na matigil na ang katiwalian. Eto, nagpupuyos ang mga taga South Cotabato dahil napupwersa umano ang mga electric cooperative na sumunod kung ano ang gustong ipagawa o paboran ng pamunuan ng National Electrification Administration o NEA. Isa na rito ang akusasyon ng Bantay Kuryente Movement (BKM) na nakipagsabwatan umano ang South Cotabato II Electric Cooperative (SOCOTECO II) sa NEA officials upang paboran ang MORE…

Read More

SECURITY SA PRUSISYON NG MANAOAG, OA?

BISTADOR ni RUDY SIM DISMAYADO ang ilang deboto at maging ang mga taong nagtungo sa ginanap na makasaysayang 100th centennial canonical coronation at grand procession ng Our Lady of Manaoag noong April 22 makaraang maging overacting di-umano ang naging security upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa naturang event. Bago pa man isinagawa ang procession sa mahal na birhen ay hindi nakalimot si Pangulong Bongbong Marcos para sa koronasyon ni Apo Baket, kagaya na rin ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., noong unang panahon na matapos…

Read More

P81K NG SARI-SARI STORE NATANGAY SA ONLINE SCAM

NALIMAS ang P81,500 sa GCash account ng isang sari-sari store owner nang mabiktima ng online scam sa Lipa City, Batangas. Nangyari ang insidente noong Abril 16, bandang alas-9 ng gabi, nang magpa-cash in ang isang lalaki sa tindahan ng biktima. Ayon sa biktima, sinabi ng suspek na magbabayad lamang ito ng parcel sa Lazada at nagpa-cash in ng halagang P540. Ngunit makalipas nito, napansin na lamang ng biktima ang sunod-sunod na online transactions sa kanyang account hanggang sa tuluyang maubos ang laman nito na umabot sa P81,500. Sa pahayag ng…

Read More

NANG-BLACKMAIL NA CARNAPPER ARESTADO

ARESTADO ang isang lalaki sa mga pulis matapos manghingi ng pera sa biktima para maisauli ang ninakaw na motorsiklo sa Antipolo City, noong Abril 25, 2026. Kinilala ni PCol. Eleazar Barber Jr., provincial director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Jim”, 25, at residente ng Teresa, Rizal. Batay sa imbestigasyon, noong Abril 24, 2026 dakong alas-11 ng gabi nang iwan ng 27-anyos na biktima ang motorsiklo nito sa harap ng kanilang bahay sa Brgy. Dela Paz, Antipolo City. Laking gulat nila nang pagdating ng kapatid ng…

Read More

PAMAMAHAGI NG AYUDA SA BATANGAS NAUWI NA SA BANGAYAN

UMINIT ang tensyon sa pagitan ng Batangas Panlalawigang Liga ng mga Barangay (PLNB) at isang kongresista kaugnay sa implementasyon ng programang “Bawat Barangay Makikinabang” ng administrasyon. Pinabulaanan ni PLNB President Fernando Rocafort ang alegasyon ni Batangas Representative Leandro Leviste na may diskriminasyon at korupsyon sa naturang programa. Nauna nang nanawagan si Leviste sa Office of the President na magsagawa ng imbestigasyon matapos na hindi umano maisama ang hindi bababa sa 84 barangay sa kanyang distrito sa distribusyon ng tig-200,000 pisong ayuda, kasabay ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa…

Read More

MOST WANTED NA MAY P250K REWARD, ARESTADO SA GENERAL SANTOS

INARESTO ng Philippine National Police (PNP) ang isang national level most wanted person na may P250,000 reward dahil sa kinakaharap nitong 56 counts of murder sa Barangay Apopong, General Santos City. Kinilala ang suspek sa alyas na “Jared,” 45-anyos, na nadakip sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng General Santos City Police. Ayon kay Police Regional Office (PRO) Soccsksargen Director Brig. Gen. Arnoldo Ardiente, hindi na nanlaban ang suspek nang isilbi ang warrant of arrest. “The operation was conducted with precision and coordination, ensuring the safe and orderly arrest of…

Read More

Sa pagkasawi ng 5 PUPC sa QC road mishap VIDEO CONFERENCING SA HEARINGS PINAKOKONSIDERA

NANAWAGAN ang isang sektor na mas palawakin ang paggamit ng video conferencing sa mga pagdinig upang maiwasan ang pagbiyahe ng persons deprived of liberty kasunod ng aksidente kamakailan sa Quezon City kung saan nasawi ang limang bilanggo. Paalala ni Atty. Ariel Inton, Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) president, sa ilalim ng Memorandum Circular No. 02-2026 ng Korte Suprema hinggil sa “Adoption of Flexible Work Arrangements and Energy Conservation Measures,” pinahihintulutan ang mga hukuman na magsagawa ng video conferencing hearings. Nakasaad din sa Guidelines on the Conduct of Videoconferencing…

Read More

KAJUAN MULTIPURPOSE CENTER SA CAVITE, SINIMULAN NA

PINANGUNAHAN ng mga opisyal ng Gen4Juan at partner organizations ang groundbreaking ceremony ng KaJuan Multipurpose Center sa Magallanes, Cavite bilang bahagi ng pagdiriwang ng unang anibersaryo ng organisasyon. Kabilang sa dumalo sina Gen4Juan Chairman at Executive Director Peter Eric Pardo, Vice Chairman at Finance Director Adrian Joseph Reyes, at Ambassador ng Malaysia sa Pilipinas Dato Abdul Malik Melvin Castelino. Dumalo rin si Malaysian Chamber of Commerce and Industries Philippines Inc. President How Han Hui at Provincial Board Member Jasmine Maligaya-Bautista, kasama ang mga kinatawan ng pribadong sektor. Layunin ng proyekto…

Read More