PILA, Laguna — Pinangunahan ni Senator Mark A. Villar ang pamamahagi ng grocery packs at sako-sakong bigas sa mga jeepney driver, operators, at delivery riders sa ilalim ng MARKalinga: Welfare Assistance Program for Drivers na ginanap noong Abril 24 sa Pila Municipal Grounds. Ayon kay Villar, bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng kanyang tanggapan na suportahan ang sektor ng transportasyon na apektado ng tumataas na presyo ng gasolina at iba pang suliraning pang-ekonomiya. “Patuloy nating susuportahan ang ating mga tsuper at riders na araw-araw na nagsusumikap para sa kanilang…
Read MoreDay: April 26, 2026
PTFOMS NAGSAGAWA NG WORKSHOP PARA SA KABABAIHANG MAMAMAHAYAG
NAGLUNSAD ng dalawang araw na workshop ang Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) at Presidential Communications Office (PCO) para sa mga babaeng mamamahayag mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Dinaluhan ng humigit-kumulang 75 journalists mula sa iba’t ibang media platforms ang aktibidad na may temang “Empowering Women Journalists to Institutionalize Gender-Responsive Media Protection.” Layunin ng workshop na palakasin ang kapasidad ng mga kababaihang mamamahayag at bumuo ng panimulang pamantayan para sa kanilang kaligtasan at proteksyon. Ayon kay PTFOMS Executive Director Usec. Joe Torres Jr., mahalaga ang papel ng…
Read MoreNITA: BAIL HEARING SA REVILLA CASE “WALANG MATIBAY NA EBIDENSIYA”
NAGBITAW ng matinding pahayag si Carlos Ayala ng National Institute for Transparency and Accountability (NITA), matapos ang serye ng bail hearings, malinaw aniyang mahina ang kaso laban kay Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.. Ayon kay Ayala, umikot ang buong argumento ng prosekusyon sa iisang testigo, habang ang iba’y puro “hearsay” at “derivative testimonies,” at higit sa lahat, kapansin-pansin ang kawalan ng konkretong dokumento na direktang mag-uugnay sa dating senador sa pera o sabwatan. Sa pagdinig sa Sandiganbayan, inaasahang lalong titibay ang kaso. Ngunit kabaliktaran umano ang nangyari dahil sa testimonya ng…
Read MoreTULFO PINAMAMADALI REBYU SA OIL DEREGULATION LAW
NANAWAGAN si Senator Erwin Tulfo sa kanyang mga kasamahan sa Senado na pabilisin ang pagrerepaso sa Oil Deregulation Law o Republic Act No. 8479 sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East. Ayon kay Tulfo, dehado ang mga Pilipino sa umiiral na batas dahil limitado ang kapangyarihan ng pamahalaan na kontrolin ang presyo ng produktong petrolyo. Aniya, “hindi pwedeng kontrolin o diktahan ng gobyerno ang presyo ng langis dahil protektado ito sa ilalim ng oil deregulation law”. Sa kasalukuyang sistema aniya, maaari…
Read More1-BUWANG EXTENSION NG ITR FILING MAGTATAPOS SA MAYO 15
INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalawig ng deadline ng paghahain ng 2025 annual income tax return (ITR) mula Abril 15 hanggang Mayo 15, 2026. Ayon sa Pangulo, layunin ng hakbang na mabigyan ng sapat na oras ang mga taxpayer upang maayos na makapaghain ng kanilang mga dokumento. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Marcos na ang isang buwang extension ay magbibigay ng pagkakataon sa publiko na makapagsumite at makapagbayad nang walang penalty o surcharge. Maaaring maghain ng ITR sa pamamagitan ng electronic platforms ng Bureau of Internal Revenue…
Read MoreInton sa impeachment kay VP Sara NUMBERS GAME SA KAMARA AT SENADO
UMIINIT ang usapin sa posibleng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte habang nagpapatuloy ang pagdinig sa House Committee on Justice ng House of Representatives. Ayon kay Atty. Ariel Inton, kinakailangan ang boto ng hindi bababa sa one-third ng kabuuang miyembro ng Kamara upang maaprubahan ang resolusyon na naglalaman ng articles of impeachment o upang i-override ang anomang taliwas na rekomendasyon ng komite, alinsunod sa Article XI, Section 3(3) ng Konstitusyon. Kapag nakamit ang nasabing bilang, ipapasa ang articles of impeachment sa Senado na magsisilbing impeachment court. Nilinaw ni Inton…
Read MorePAGSASAPELIKULA SA YULDONG HEROISM ISINULONG NG DND CHIEF
ISINUSULONG ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang paggawa ng pelikula hinggil sa kabayanihan ng mga sundalong Pilipino at Koreano sa panahon ng Korean War, partikular sa makasaysayang Battle of Yuldong o Yultong. Sa kanyang talumpati sa ika-75 anibersaryo ng labanan sa Libingan ng mga Bayani, sinabi ni Teodoro na nananatiling kulang ang pagkilala sa sakripisyo ng mga sundalong Pilipino. “Yuldong heroism remains under-told,” ayon sa Kalihim, na iginiit na hindi sapat ang tradisyunal na paggunita upang maiparating sa publiko ang kahalagahan ng naturang labanan. Binigyang-diin…
Read More