INARESTO ng Philippine National Police (PNP) ang isang national level most wanted person na may P250,000 reward dahil sa kinakaharap nitong 56 counts of murder sa Barangay Apopong, General Santos City.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Jared,” 45-anyos, na nadakip sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng General Santos City Police.
Ayon kay Police Regional Office (PRO) Soccsksargen Director Brig. Gen. Arnoldo Ardiente, hindi na nanlaban ang suspek nang isilbi ang warrant of arrest.
“The operation was conducted with precision and coordination, ensuring the safe and orderly arrest of the accused,” ani Ardiente.
Kinumpirma ng mga awtoridad na nahaharap ang suspek sa 56 counts of murder, bukod pa sa hiwalay na kasong murder na inisyu ng korte sa Quezon City, na walang inirekomendang piyansa.
Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., patuloy ang operasyon ng pulisya laban sa mga indibidwal na may mabibigat na kaso.
“Hindi titigil ang PNP hangga’t di napapanagot ang mga may sala. Our operations will remain relentless but always within the bounds of the law,” pahayag ni Nartatez.
(JESSE RUIZ)
78 