VILLAR NAMAHAGI NG AYUDA SA MGA TSUPER AT RIDERS SA LAGUNA

PILA, Laguna — Pinangunahan ni Senator Mark A. Villar ang pamamahagi ng grocery packs at sako-sakong bigas sa mga jeepney driver, operators, at delivery riders sa ilalim ng MARKalinga: Welfare Assistance Program for Drivers na ginanap noong Abril 24 sa Pila Municipal Grounds.

Ayon kay Villar, bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng kanyang tanggapan na suportahan ang sektor ng transportasyon na apektado ng tumataas na presyo ng gasolina at iba pang suliraning pang-ekonomiya.

“Patuloy nating susuportahan ang ating mga tsuper at riders na araw-araw na nagsusumikap para sa kanilang pamilya. Kaagapay ninyo kami sa gitna ng krisis,” pahayag ng senador.

Bago ang pamamahagi, dumalo rin si Villar bilang panauhing pandangal sa pagbubukas ng ika-10 PAILAH Festival 2026, kung saan pinangunahan niya ang ribbon-cutting ceremony ng trade fair kasama ang mga lokal na opisyal.

Nakipagpulong din ang senador sa mga miyembro ng transport at tourism sectors upang pakinggan ang kanilang mga hinaing kaugnay ng tumataas na gastusin sa operasyon.

Matatandaang inihain ni Villar ang panukalang Relief for Economic Alleviation of Filipinos (RELIEF) Act na naglalayong magbigay ng direktang suporta sa mga low-income earners at iba pang apektadong sektor.

(DANNY BACOLOD)

105

Related posts

Leave a Comment