L98 CARGO HUMINGI NG PASENSYA

RAPIDO ni PATRICK TULFO DAHIL sa dami ng balikbayan boxes na naabandona ng Makati Express Cargo na nasa mahigit isang daang containers, hanggang ngayon ay nagde-deliver pa rin ang L98 cargo, ito ang sinabi ng may-ari mismo ng L98 na si Ms. Leslie Lim sa akin sa aming meeting. Sa datos na ibinigay ni Ms. Lim, mayroon pa raw mahigit labing-apat na libong mga kahon ng Makati Express Cargo sa Luzon, ang kailangan nilang maihatid sa mga may-ari. At inamin nito na hindi naman kasi marami ang kanilang mga sasakyan…

Read More

TAMA PALA SI CHIZ SA ‘FORTHWITH’

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SENTRO ngayon ng diskusyon ang naging desisyon ng Korte Suprema sa terminong “forthwith” na nakasaad sa Saligang Batas pagdating sa impeachment. Ayon sa SC, ang “forthwith” ay hindi nangangahulugan ng kagyat o “immediate” na aksyon. Sa halip, “within a reasonable time” na maaaring humaba o umikli base sa diskresyon ng Senado at sa sirkumstansya ng bawat kaso. Dito natin naalala ang mga batikos at pagkontra kay Senator Francis “Chiz” Escudero noong siya ang Senate President. Tinawag siyang obstructionist at inakusahan pang pinoprotektahan umano ang mga dapat…

Read More

PANAWAGAN NI CONG. LEANDRO LEVISTE: PATAS NA AYUDA PARA SA 84 BARANGAY SA BATANGAS

TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng isyu ng hindi umano pagkakasama ng 84 barangay sa Batangas sa pamamahagi ng tig-P200,000 ayuda, lumilitaw ang isang mahalagang usapin—ang katarungan at pantay na pagtrato sa bawat komunidad. Hindi simpleng administratibong pagkukulang ang sinasabi ng mga kapitan, kundi isang malinaw raw na anyo ng diskriminasyon na nararapat lamang siyasatin. Mariing pinaninindigan ng mga barangay captain na sila ay nakapagsumite ng kumpletong requirements at walang abiso na sila ay hindi dapat dumalo. Sa kabila nito, tila sila ay hindi inimbitahan, bagay na taliwas…

Read More

PETISYON SA SC VS BARMM ELECTION RULES INIHAIN NG MGA PETITIONER

NAGSAMPA ng petisyon sa Supreme Court ang ilang petitioner upang kuwestiyunin ang mga patakaran at redistricting para sa nalalapit na kauna-unahang regular parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Sa kanilang manifestation, tinutulan nina Sultan Alim Saad I. Amate at Maulana L. Mamutuk ang Bangsamoro Autonomy Act Nos. 86 at 88, na may nakabinbin nang petisyon sa Korte Suprema. Ayon sa kanila, posibleng may kaparehong depekto ang bagong redistricting law na dati nang kinuwestiyon, at huli na rin umano itong naipasa. Babala ng mga petitioner, maaaring maapektuhan ang…

Read More

BABAE PINAANAK ANG SARILI NAMATAY, SANGGOL NAILIGTAS

HINIHINALANG sobrang hirap, sakit at pagkaubos ng dugo ang ikinamatay ng isang babae matapos na manganak nang mag-isa sa kanyang inuupahang silid sa Barangay Bulua, Cagayan de Oro City, ayon sa mga awtoridad. Nadiskubre ng mga residente ng boarding house ang babae sa loob ng banyo na duguan at wala nang buhay. Natagpuan din ng nagrespondeng mga awtoridad ang kanyang bagong silang na sanggol sa loob ng silid, buhay na nakababad sa dugo Nailigtas ang sanggol at kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga awtoridad makaraang madala sa isang klinika. Lumitaw sa…

Read More

P1-M SHABU NASAMSAM SA 4 HVIs SA RIZAL

APAT katao ang naaresto makaraang makumpiskahan ng mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team sa Brgy. Guitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal noong Abril 29, 2026. Kinilala ni PCol. Eleazar Barber Jr., provincial director ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO), ang mga suspek na sina alyas “Evelyn”, 51; “Michael”, 50; “Eryll”, 26, at “Even”, 22, pawang itinuturing na high value individuals (HVIs). Sa pakikipagtulungan ng San Mateo Municipal Police Station (San Mateo MPS) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nagresulta…

Read More

2 INDIBIDWAL ARESTADO SA ILLEGAL BOTOX, GLUTATHIONE TREATMENT

KALABOSO ang dalawang babae sa Cauayan City, Isabela sa diumano’y ilegal na pagpa-practice ng medisina sa isang skin care clinic. Sinalakay ang kanilang clinic ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Food and Drug Administration (FDA) at Business Permit and Licensing Office (BPLO). Ayon sa ulat, naaktuhan ang mga suspek na nagsasagawa umano ng botox at glutathione injections sa mga kliyente, kapalit ng bayad na umaabot sa P15,000 at P3,500 kada sesyon. Nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang iba’t ibang medical paraphernalia tulad ng botox vials, mga…

Read More

CURLEE DISCAYA SASALANG SA OPERASYON

INILABAS kahapon ng umaga sa gusali ng Senado ang contractor na si Pacifico ‘Curlee’ Discaya para dalhin sa pagamutan dahil sa kanyang schedule na operasyon sa kanang balikat. Ayon kay Senate Secretary Mark Llandro Mendoza, posibleng tumagal sa pagamutan si Discaya ng apat hanggang pitong araw bago muling ibalik sa Senado para sa kanyang recovery. Hindi na nakaposas nang isinakay si Discaya sa ambulansya at inilabas sa compound ng Senado na may police escorts. Tiniyak naman nina Mendoza at Senate Sgt At Arms Rene Samonte na bantay sarado pa rin…

Read More

DEPINISYON NG SC SA ‘FORTHWITH’ HINIMAY NI ATTY. INTON

NILINAW ng Supreme Court ang kahulugan ng terminong “forthwith” sa usapin ng impeachment, ayon kay Atty. Ariel Inton ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP). Ayon sa paliwanag ni Inton, ang “forthwith” ay hindi nangangahulugang agarang aksyon kundi “within a reasonable time,” na maaaring mag-iba depende sa sitwasyon at diskresyon ng Senado. Binigyang-diin niya na bagama’t may itinakdang timeframe ang House of Representatives, walang eksaktong deadline para sa Senado sa pagsisimula ng impeachment trial. “While the Constitution sets a specific timeframe for the House of Representatives to act on…

Read More