REKLAMO VS CIDG IBINASURA NG NAPOLCOM; TONDO E-SABONG RAID, LEHITIMO

IBINASURA ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang reklamong isinampa laban sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region kaugnay ng e-sabong operation sa Tondo, Maynila. Sa resolusyon ng komisyon, walang nakitang probable cause upang kasuhan ang mga pulis na nagsagawa ng operasyon noong Marso 24, 2026 sa Coliseo de Manila sa Vitas. Batay sa imbestigasyon ng Intelligence, Monitoring and Investigation Service (IMIS), lehitimo ang entrapment operation laban sa umano’y ilegal na online cockfighting. Nauna nang inakusahan ng pamunuan ng Coliseo de Manila ang CIDG na…

Read More

HARMONIES OF HOPE, GRAND CHAMPION SA INTER-PARISH CHORALE COMPETITION

HUMAKOT ng parangal ang Harmonies of Hope Choir ng Mary Mother of the Church Parish sa Barangay Talon Dos matapos tanghaling Grand Champion sa Inter-Parish Chorale Competition sa Las Piñas City. Pinangunahan ng Villar Foundation ang taunang selebrasyon bilang paggunita kay St. Ezekiel Moreno, patron ng lungsod. Ginaganap ang kompetisyon sa San Ezekiel Oratory sa loob ng Villar SIPAG Complex, kung saan ipinamalas ng iba’t ibang parokya ang kanilang talento at pananampalataya sa pamamagitan ng musika. Dumalo sa kaganapan sina Mark Villar at Camille Villar, kasama si Villar Foundation Managing…

Read More

10-ARAW NA PAID LEAVE ITINUTULAK SA KAMARA

ISINUSULONG sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang dagdagan ang mandatory paid leave ng mga manggagawa sa bansa. Inihain ni Parañaque City 2nd District Rep. Brian Yamsuan ang House Bill No. 6602 na layong itaas mula limang araw tungong sampung araw ang minimum annual paid leave benefit ng mga empleyado. Ayon kay Yamsuan, makatutulong ang panukala upang maiwasan ang stress at burnout ng mga manggagawa, habang inaasahan ding tataas ang productivity at employee retention sa mga kumpanya. “Our proposed measure reaffirms our commitment to fostering humane working conditions and supporting…

Read More

‘Di napiga kinatawan ng France, Czech Republic MARCOS BITIN SA INFO KAY ZALDY CO

DISMAYADO ang Malacañang sa kakulangan ng impormasyong ibinigay ng mga kinatawan ng France at Czech Republic hinggil sa puganteng si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, bagama’t kinumpirma ng Chargé d’affaires ng Czech Republic sa Pilipinas na si Eva Tenzin na na-detain si Co dahil sa invalid travel documents, wala nang karagdagang detalye na ibinahagi ang mga ito. “Noong sinabi po ito ng chargé d’affaires ng Czech Republic, iyon lamang po ang kinumpirma niya sa Pangulo……

Read More

PBBM: SOLIDONG KOORDINASYON NG LGUs AT NATIONAL GOV’T, SANDATA LABAN SA KRIMEN

BINIGYANG-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na susi ang mas matibay at mas malapit na ugnayan ng national government at local government units (LGUs) upang mapababa ang kriminalidad at mapabilis ang pagtugon sa mga emerhensiya. Pinangunahan ng Pangulo ang 1st Joint National Peace and Order Council (NPOC) Meeting for 2026 sa Malacañang, kung saan pinulong ang national at regional leaders upang ihanay ang mga estratehiya at suriin ang kasalukuyang peace and order situation ng bansa. Layunin ng pagpupulong na palakasin ang whole-of-government approach sa public safety, community resilience, at…

Read More

PRIVATE LAWYERS PLANONG ISAMA SA IMPEACHMENT TRIAL

INIHAYAG ni House Committee on Justice Chairperson at Batangas Rep. Gerville Luistro na plano ng Kamara na kumuha ng private litigators upang tumulong sa prosecution panel sakaling umusad sa Senado ang impeachment trial laban kay Sara Duterte. Ayon kay Luistro, bagamat may mga abogado sa House of Representatives of the Philippines, kailangan ang karanasan sa aktwal na paglilitis dahil magiging pormal na trial ang proseso sa Senate of the Philippines. Sinabi niya na sa ilalim ng impeachment rules, dapat ay may 11 public prosecutors mula sa Kamara, ngunit walang pagbabawal…

Read More