ALINSUNOD sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasunod ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, kasalukuyang nagsasagawa ng response operations ang Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), at mga lokal na pamahalaan (LGUs) upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan sa mga apektadong lugar. Ayon kay Secretary of the Interior Jonvic Remulla, kabilang sa isinasagawang mga hakbang ang search and rescue operations para sa mga naapektuhan ng lindol, gayundin ang site inspections sa mga paaralan, pampublikong gusali, at mga baybaying lugar na nasa ilalim ng tsunami advisory.…
Read MoreDay: June 8, 2026
CURLEE DISCAYA INILIPAT NA SA REGULAR NA KULUNGAN
NAITURN-OVER na ng Senado sa Philippine National Police (PNP) ang contractor na si Curlee Discaya matapos itong arestuhin sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Malolos Regional Trial Court kaugnay ng mga kasong graft at malversation of public funds. Bandang alas-7:30 ng umaga nitong Lunes nang arestuhin ng mga tauhan ng PNP-CIDG NCR si Discaya sa kanyang detention cell sa Senado. Sa Senado na rin isinagawa ang booking process kabilang ang pagkuha ng mugshot at fingerprint nito. Matatandaang nakakulong si Discaya sa Senado mula pa noong Setyembre 2025…
Read MorePagkasawi ng 19 katao bineberipika GUSALI, PAARALAN GUMUHO SA 7.8M LINDOL SA MINDANAO
KASABAY ng pagbubukas ng klase kahapon ay niyanig ng malakas na lindol ang Southern Mindanao na nagdulot ng pagguho ng mga gusali, paaralan, shopping mall, simbahan, tulay at mga kabahayan, at ikinasawi ng ilang indibidwal batay sa inisyal na ulat ng Office of Civil Defense (OCD). Sa paunang ulat na inilabas ng OCD nitong Hunyo 8, nasa 19 na ang naitalang nasawi habang pito ang nawawala at tinatayang 10,000 pamilya ang naapektuhan sa mga lugar na sinalanta ng lindol. Patuloy naman ang damage assessment at koordinasyon ng mga lokal, rehiyonal…
Read More4 MOST WANTED PERSONS SA CAVITE, ARESTADO
APAT na nasa listahan ng most wanted persons (MWP) sa Cavite ang dinakma sa isinagawang opesyon ng pulisya sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan. Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Froils”, MWP Regional Level ng Maragondon Municipal Police Station; “Loui”, MWP Regional Level ng Dasmariñas Component City Police Station; “Lorenz, MWP Municipal Level ng Maragondon MPS, at “Marifi”, MWP City Level ng Tagaytay City. Ayon sa ulat, nagtungo ang Maragondon MPS katuwang ang Sabangan Municipal Police Station, sa Brgy. Abatan Bauko, Mountain Province upang isilbi ang isang warrant of…
Read MoreTrabaho, eskwela kinansela sa Mindanao LINDOL SUMALUBONG SA UNANG ARAW NG PASUKAN
(TOTO NABAJA/JESSE RUIZ) NIYANIG ng malakas na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao nitong Lunes ng umaga, Hunyo 8, na nakaantala sa unang araw ng pasukan at nagbunsod sa pagsuspinde ng mga klase at trabaho sa ilang lugar. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang lindol dakong alas-7:37 ng umaga at ang episentro nito ay nasa karagatang humigit-kumulang 125 kilometro hilagang-silangan ng Sarangani. Dahil sa pagyanig, nagmadaling lumikas palabas ng mga silid-aralan ang mga estudyante at guro habang agad na ipinatupad ng mga paaralan ang kani-kanilang…
Read More‘INTERIM’ SENATE SETUP NI ALAN IBINASURA NG MALACAÑANG
IBINASURA ng Malacañang ang panukala ni dating Senate President Alan Peter Cayetano na magkaroon ng interim leadership arrangement sa Senado. Sa press briefing sa Malacañang, muling iginiit ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na si acting Senate President Sherwin Gatchalian lamang ang kinikilala ng Executive branch bilang lehitimong lider ng Senado. Ayon kay Castro, wala umanong maidudulot na mabuti ang naturang arrangement sa kasalukuyang sitwasyon. Sa ulat, itinutulak ng kampo ni Cayetano ang posibilidad ng interim administrative arrangements sa bagong Senate majority group na…
Read More