TAYAM MAGHAHAIN NG MR SA SC PETITION SA SENATE QUORUM

MAGHAHAIN ng motion for reconsideration (MR) ang high school teacher na si Barry Tayam matapos ibasura ng Korte Suprema ang kanyang petisyon kaugnay ng quorum sa Senado. Ayon kay Tayam, naghihintay na lamang siya ng opisyal na kopya ng resolusyon ng Supreme Court bago isumite ang kanyang MR. “Nakapag-decide po ako na magfa-file ng MR once officially received ko na yung reso from SC,” ani Tayam. Ibinasura ng Korte Suprema nitong Miyerkoles ang petisyong inihain niya na humihiling na ideklarang may valid quorum ang sesyon ng Senado noong Hunyo 3,…

Read More

Walang validated threat PNP ALL SYSTEMS GO SA IKA-128 ARAW NG KALAYAAN

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na nakapuwesto na ang lahat ng kinakailangang seguridad para sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong Hunyo 12. Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., wala silang namomonitor na anomang validated threat kaugnay ng selebrasyon, ngunit nananatiling nakaalerto ang buong hanay ng kapulisan. Sinabi ni Nartatez na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang higit pang mapalakas ang intelligence monitoring at security operations sa buong bansa. “This is an annual activity that we…

Read More

SOLON KINASUHAN SA DOJ ’18 KARGADOR’ SA MALETA ISSUE

PANIBAGONG kasong legal ang kinakaharap ng tinaguriang 18 kargador matapos silang sampahan ng reklamong cyberlibel at/o perjury ni Iloilo Rep. Janette Garin kaugnay ng kontrobersiyal na “maleta” issue. Inihain ni Garin ang reklamo sa Department of Justice (DOJ) nitong Miyerkoles laban sa 18 dating bodyguard ni ex-congressman Zaldy Co at kay Atty. Levito Baligod. Ayon kay Garin, layunin umano ng mga paratang na nakatanggap siya ng mga maletang may lamang pera na sirain ang kanyang pangalan at hadlangan ang kanyang pagtupad sa tungkulin bilang kinatawan sa 20th Congress. “Sinusumpa ko…

Read More

CURLEE DAPAT ILABAS EBIDENSYA SA 150 SANGKOT SA FLOOD CONTROL SCAM – INTON

HINIKAYAT ng beteranong abogado na si Atty. Ariel Inton si contractor Curlee Discaya na ilantad ang lahat ng kanyang nalalaman kaugnay ng umano’y malawakang katiwalian sa mga flood control project, lalo na kung mayroon siyang matibay na ebidensiya laban sa mga personalidad na kanyang itinuturong sangkot. Ayon kay Inton, nabigong makakuha ng suporta si Discaya mula sa mga taong umano’y nakinabang sa kanyang operasyon, kabilang ang ilang politiko na sinasabing naging kaparte niya sa kita mula sa flood control projects. Nagbanta si Discaya na isisiwalat niya ang nasa 150 pang…

Read More

AYUDA SA MGA BIKTIMA NG MINDANAO QUAKE, TINIYAK NI SPEAKER DY

PINANGUNAHAN ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III noong Huwebes ang delegasyon ng Kamara de Representantes sa General Santos City at Lalawigan ng Sarangani upang suriin ang epekto ng nagdaang lindol, makipagpulong sa mga lokal na opisyal at pinuno ng mga ahensya sa rehiyon, at tukuyin ang mga agarang at pangmatagalang hakbang upang matulungan ang mga apektadong komunidad. Sa pagbisita, inanunsyo ni Dy na sasagutin ng Kamara ang gastusing medikal ng lahat ng indibidwal na nasugatan dahil sa lindol, maging sila man ay ginagamot sa pampubliko o pribadong ospital.…

Read More

MGA KABATAANG BAYANI NOON, TAMPOK SA BAGONG INDEPENDENCE DAY STAMPS SA PHLPOST

MAYNILA, Pilipinas – Isang siglo at kalahati matapos silang isilang, patuloy pa ring nagbibigay-inspirasyon sa mga Pilipino sina Gregoria “Oriang” de Jesus at Emilio “Pingkian” Jacinto. Bagama’t bata pa noong panahon ng Himagsikan, malaki ang naging ambag nila sa pakikibaka para sa kalayaan ng bansa. Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, ilulunsad ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang commemorative stamps na nagbibigay-pugay sa ika-150 taon ng kapanganakan nina Gregoria “Oriang” de Jesus at Emilio “Pingkian” Jacinto. Gaganapin ang paglulunsad sa Activity Area ng Robinsons Place…

Read More