TINATAYANG mahigit P11.4 milyon halaga ng fully grown marijuana plants ang binunot at sinunog ng mga operatiba ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) at Police Regional Office-Cordillera Administrative Region (PRO-CAR) sa isinagawang marijuana eradication operation o Oplan Pat-ut sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga. Ayon sa ulat, nasa 57,000 fully grown marijuana plants ang nadiskubre ng mga awtoridad sa isang liblib na marijuana plantation na may lawak na humigit-kumulang 3,800 square meters. Isinagawa ang operasyon sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cordillera Administrative Region–Kalinga Provincial Office, Regional Mobile Force…
Read MoreDay: August 3, 2026
VILLAR KINONDENA PANANAKSAK SA LAS PIÑAS HIGH SCHOOL, LIGTAS ACT MULING ISINULONG
KINONDENA ni Senador Mark A. Villar ang pananaksak na ikinasawi ng isang Grade 9 student sa loob ng Las Piñas National High School at sinabing ipinapakita ng insidente ang pangangailangang higit pang palakasin ang kaligtasan at seguridad sa mga paaralan. Ayon kay Villar, ang mga paaralan ay dapat manatiling lugar ng kaligtasan, pagkatuto at pag-asa, at hindi lugar kung saan nalalagay sa panganib ang buhay ng mga estudyante. Nagpaabot din ang senador ng pakikiramay sa pamilya ng biktima at sinabing patuloy na nagbibigay ng tulong at suporta ang kanyang tanggapan…
Read MoreByahe pinigil dahil sa Bagyong Luis 73 PASAHERO STRANDED SA POLILLO ISLANDS
SINUSPINDE ng Philippine Coast Guard-Northern Quezon ang lahat ng biyahe ng mga sasakyang-dagat sa mga rutang sakop ng Polillo Group of Islands simula nitong Sabado ng hatinggabi dahil sa epekto ng Tropical Depression Luis, dahilan upang ma-stranded ang kabuuang 73 pasahero sa mga pantalan. Sa tala ng Coast Guard hanggang alas-7:08 ng umaga nitong Linggo, 69 na pasahero ang na-stranded sa Polillo habang 4 naman ang naiwan sa Patnanungan, bukod pa sa 5 RoRo vessels, 3 maliliit na sasakyang-dagat, at 14 rolling cargoes na hindi rin makabiyahe. Ipinatupad ang suspensyon…
Read More