NAGRESPONDENG MGA PULIS SA NAG-AMOK, PINAPURIHAN NG PNP

PINAPURIHAN ni PNP chief, PGen. Melencio Nartatez Jr. ang katapangan ni PSSg. Noli Miraña at mga kasamahan nito sa San Jose MPS sa Camarines Sur, na nagresponde sa isang insidente noong Agosto 22.

Matatandaang sinubukang kausapin at pakalmahin ni Miraña at ng mga kasamahan nito, ang isang armadong indibwal na nag-aamok ngunit inatake siya nito ng taga na ikinaputol ng kanyang kaliwang kamay.

Kaagad naman itong isinugod ng kanyang mga kasamahan sa pinakamalapit na hospital.

Patuloy namang tinitiyak ng PNP ang kinakailangang tulong at suporta para kay Miraña habang siya ay nagpapagaling.

Muling binigyang-diin ng liderato ng Philippine National Police ang panganib na kinakaharap ng mga pulis sa bawat pagresponde sa mga tawag ng publiko.

Ayon kay Nartatez, sinanay ang mga pulis na makipag-usap muna at magpahupa ng tensyon kung maaari, ngunit kailangang kumilos kapag may agarang panganib upang maprotektahan ang buhay.

(TOTO NABAJA)

79

Related posts

Leave a Comment