P25M JACKPOT SA SUPER LOTTO 6/49, NASOLO NG CAVITEÑO

INSTANT milyonaryo ang isang mananaya mula sa Lalawigan ng Cavite, makaraang makuha nito ang winning combination ng Super Lotto 6/49.

Ayon sa kalatas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakuha nito ang kombinasyon na 47-20-36-43-07-06 na may premyong P25,413,563.73.

Nabatid mula kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades “Mel” A. Robles, nabili ang masuwerteng tiket sa isang outlet sa Bacoor City, Cavite.

Ang Super Lotto 6/49 ay binobola tuwing araw ng Martes, Huwebes at Linggo.

(TOTO NABAJA)

74

Related posts

Leave a Comment