DROGA NAKUMPISKA SA PORT OF LUCENA

ISANG sachet ng hinihinalang ilegal na droga na nagkakahalaga ng tinatayang P3,400, ang nakumpiska sa Port of Lucena sa Barangay Talao-Talao, Lucena City noong Biyernes, Hulyo 31. Ang nakuhang ebidensiya ay agad na itinurn-over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Quezon Seaport Interdiction Unit para sa kaukulang kustodiya, laboratory examination, at karagdagang imbestigasyon. Isinagawa ang turnover sa tulong ng magkasanib na operasyon ng Port Police Division ng Philippine Ports Authority, Philippine Coast Guard, Quezon Maritime Police Station, Lucena City Police Station, at Quezon Police Mobile Force Company. Bukod sa isang…

Read More

Sa Maynila: Krisis Pinansiyal noon, Matatag na Pananalapi ngayon

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA EKSAKTO, Hunyo 30, 2026, sa pagbabalik ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pamumuno, isang mabigat na hamon ang kinailangan na harapin. Krisis sa pananalapi, halos nasaid, nasimot ang kabangbayan ng lungsod, at paano gagalaw ang mga programa, ang mga proyekto at mga serbisyo kung walang sapat na salapi? Ang buwis ng taumbayan, ito ang buhay na dugo na magpapatakbo sa mabilis na pagbangon, at paglago ng kabuhayan ng isang lokal na pamahalaan. Napakabigat na pasanin ito na kailangang isabalikat ni Mayor Isko, at…

Read More

MAG-INANG MAHILIG ‘MAGTANIM’

CLICKBAIT ni JO BARLIZO KUNG ano ang puno, siya rin ang bunga. ‘Yan daw ang ipinahihiwatig sa sitwasyon ngayon ng mag-inang Senator Loren Legarda at Batangas Representative Leandro Leviste, ayon sa netizens. Ang isa anila ay mahilig magtanim ng puno, habang ang isa naman ay tila ebidensya ang itinatanim. Mukhang personalan na at bumaba sa lebel ng malisyosong pag-atake ang hidwaan ng mag-inang ito kay Executive Secretary Ralph Recto. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na matagal nang magkatunggali ang magkabilang kampo sa probinsya ng Batangas. Nauna nang binanatan…

Read More

NO. 1 PA RIN SA SENATORIAL SURVEY ANG WALANG MALETA

TARGET ni KA REX CAYANONG MULING nanguna si Senador Robin Padilla sa mga survey para sa posibleng halalan sa Senado sa 2028. Sa resulta ng OCTA Research at Pulse Asia, nananatili siyang isa sa pinakapinipiling kandidato ng mga botante. Ipinakikita lamang nito na marami pa ring Pilipino ang nagtitiwala sa kanyang serbisyo at paninindigan. Hindi maikakaila na nananatiling malapit si Padilla sa karaniwang mamamayan. Sa kabila ng mga batikos, patuloy niyang isinusulong ang mga adbokasiyang pinaniniwalaan niya. Marami ang nakakikita sa kanya bilang lider na hindi natatakot magsalita para sa…

Read More

16 PARES NG KATUTUBO IKINASAL SA MASS WEDDING SA SIERRA MADRE

LABING-ANIM na pares ng mga katutubong Dumagat-Remontado ang nag-isang dibdib sa kauna-unahang Kasalang Bayan na isinagawa sa Sitio Miyunod, Barangay Magsaysay, isang liblib na komunidad sa kabundukan ng Sierra Madre noong Biyernes, Hulyo 31. Pinangunahan ni Infanta Mayor Lord Arnel “L.A.” Ruanto ang seremonya matapos marating ang lugar na nangangailangan ng mahigit dalawang oras na paglalakad sa matarik na kabundukan. Bilang bahagi ng programa, nagbigay ang lokal na pamahalaan ng libreng handaan, kasal package, dalawang sako ng bigas at tig-P2,000 na tulong-pinansyal sa bawat bagong kasal. Kasabay ng pagdiriwang, muling…

Read More

BAGONG BI WARDEN FACILITY ISINAAYOS

MANILA — Isinaayos ng Bureau of Immigration (BI) ang operasyon ng Warden Facility nito kasabay ng pagpapatupad ng mga hakbang upang mapabuti ang pamamahala sa mga dayuhang pansamantalang nakadetine dahil sa paglabag sa immigration laws. Ayon sa BI, nagsagawa ito ng tatlong batch ng pagsasanay para sa mga tauhan ng Warden Facility sa Muntinlupa sa pakikipagtulungan sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (BuCor). Sinabi ng BI na bahagi ang programa ng inisyatiba ni Commissioner Joel Anthony Viado, habang ipinagkatiwala kay Deputy Commissioner Joel Alejandro…

Read More

KAMPANYA VS KRIMEN NG PBBM ADMIN MATATAG – MALAKANYANG

IGINIIT ng Malacañang na nananatiling matatag ang kampanya ng administrasyon laban sa kriminalidad at lahat ng uri ng krimen sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito ang pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro bilang tugon sa sinabi ni Vice President Sara Duterte na sa Pilipinas ay maaari umanong umupa ng gunman sa halagang P5,000 upang pumatay ng isang tao. Ayon kay Castro, sa halip na banggitin ang ganitong pahayag, dapat umanong tumulong ang Bise Presidente sa pagpigil sa ganitong uri ng…

Read More

LEGISHEAR ILULUNSAD NG KAMARA SA BUONG BANSA; Susunod na konsultasyon sa Butuan at Dumaguete

ILULUNSAD ng House of Representatives sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang programang LegisHear, kung saan nakatakdang isagawa ang mga susunod na public consultation sa Butuan City at Dumaguete City. Ayon kay House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III, layunin ng programa na mailapit sa mga mamamayan ang proseso ng paggawa ng batas upang matiyak na higit na tumutugon sa kanilang pangangailangan ang mga panukalang isinusulong sa Kongreso. Kasunod ito ng paglulunsad ng LegisHear sa Isabela noong Biyernes, kung saan sinabi ni Dy na makikipag-ugnayan ang Kamara sa mga miyembro…

Read More

ELECTRIC COMPANIES PINAALALAHANAN SA KANILANG SOCIAL RESPONSIBILITY

NANAWAGAN si Senate Committee on Energy Chairman Erwin Tulfo sa mga electric company na makipagtulungan sa pagtanggal ng system loss charge sa electric bills ng mga konsyumer. “Nasaan ang konsepto ng social responsibility sa lahat ng ito? Ang community ay nalulubog sa utang at kahirapan habang sila ay kumikita ng bilyon-bilyong tubo dahil pinipiga nang husto ang mga konsyumer,” ani Tulfo sa isang panayam sa radyo. Dagdag pa niya, hindi makatarungang ipasa sa mamamayan ang system loss at ang mga kumpanya ng kuryente ang dapat umanong managot sa sarili nilang…

Read More