NAGLALAHONG PAGGALANG

EDITORIAL MARAMING damdamin ang napukaw sa isang viral na video ng asal ng mga estudyante sa pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos kamakailan. Higit sa video, mahalagang punahin kung ano ang sinasalamin nito tungkol sa uri ng lipunang ating hinuhubog. Anoman ang pananaw sa pulitika, ang paggalang ay hindi dapat nakabatay sa kung sino ang ating sinasang-ayunan o tinututulan. Ito ay batayang asal na dapat naipakikita sa kapwa, lalo na sa mga taong may tungkulin sa pamahalaan, guro, magulang, at iba pang kinikilalang awtoridad. Ang hindi pagsang-ayon ay maaaring ipahayag, ngunit…

Read More

CHILL LANG DAPAT SA BALITA, PERO PALAG SA SOBERANYA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA gitna ng tuloy-tuloy na tensyon sa West Philippine Sea (WPS), ramdam ang matinding ingay at pagkakawatak-watak—lalo na sa social media kung saan mabilis kumalat ang iba’t ibang pananaw. Pero sa gitna ng ingay, isang mahalagang paalala ang ibinaba ng Association of General and Flag Officers (AGFO), sa pamumuno ni retired Police Major General German Doria. Ang kanilang panawagan: Responsableng impormasyon na nakasandig sa tamang legal na konteksto. Hindi ito usapin ng personal na opinyon, pamumulitika, o usong narrative lang sa TikTok at X. Ang WPS…

Read More

Ipinakita ni Alex: Ang imposible, kayang maging posible

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA Wow, our biggest, grandest congratulations to Alexandra ‘Alex’ Eala! Our first Filipino Women’s Tennis Association (WTA) na nagtala ng makasaysayang panalo nitong Lunes, Agosto 3, 2026 sa WTA Tour singles title, ito ay nang talunin niya si World No. 3 Jessica Pegula sa Mubadala DC Open sa Washington, D.C. She did not only rises in her personal ranking nasa Top 20 ng WTA. May kakambal pang tropeo at cash prize na $252,000 (approximately P15.4 million), ang panalo ni Alex, at tiyak, kasunod nito, ang…

Read More

PBBM, ITINUTULAK ANG AI, DIGITAL UPSKILLING PARA SA ‘JOBS OF THE FUTURE’

ITINUTULAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalawak ng artificial intelligence (AI) at digital upskilling initiatives bilang bahagi ng pagsisikap na ihanda ang mas maraming Pilipino para sa mga trabaho sa hinaharap at palakasin ang competitiveness ng bansa sa modernong ekonomiya. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, kabilang ito sa mahahalagang usaping tinalakay sa ikalimang pagpupulong ng Pangulo kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) Education and Jobs Sector Group sa Malacañang nitong Miyerkules. Sinabi ni Castro na nakatuon ang pulong sa…

Read More

CIVIL SERVICE EXAM KINANSELA SA ILANG LUGAR

DAHIL sa patuloy na masamang panahon bunsod ng bagyo at umiiral na Southwest Monsoon o Habagat, inanunsyo ng Civil Service Commission (CSC) ang suspensyon ng Career Service Examination–Pen and Paper Test (CSE-PPT) para sa Professional at Subprofessional levels na nakatakda kahapon, Agosto 9, sa ilang lugar. Kabilang sa mga testing center na ipinagpaliban ang pagsusulit ang mga nasa Batangas, Cavite, Laguna at Rizal sa Region 4A, gayundin ang lahat ng testing center sa National Capital Region dahil sa posibleng panganib sa mga examinee dulot ng masamang panahon. Kinansela rin ang…

Read More

ERWIN TULFO: SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE, IIMBESTIGAHAN MGA SUBSTANDARD AT PALPAK NA PUBLIC WORKS

KASUNOD ng mga ulat hinggil sa mga public works project na mabilis masira dahil sa kaunting pag-ulan, inihayag ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Erwin Tulfo na tututukan ng komite ang mga substandard na proyekto ng pamahalaan at pagpapanagot sa mga nasa likod nito. “Bukod sa mga bagong pangalan at isyu na may kaugnayan sa anomalya sa flood control, iimbestigahan din natin ang mga substandard na proyekto. Ang mga tulay, kalsada, at iba pang pampublikong pasilidad na malinaw na hindi sumunod sa mga pamantayan—iimbestigahan natin iyan isa-isa,” pahayag ni Tulfo…

Read More

CAYETANO: RAIN SHELTERS, MAS MARAMING TREN KAILANGAN SA TRANSPORT PLANNING

HINIKAYAT ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang pamahalaan na isama sa pangmatagalang infrastructure plans ang pagtatayo ng mga rain shelter para sa commuters at motorcycle riders. Sa isang Facebook livestream nitong Agosto 7, sinabi ni Cayetano na muling nakita sa mga nagdaang pag-ulan ang problema ng mga rider at commuter na napipilitang sumilong sa ilalim ng mga tulay at iba pang istruktura kapag biglang bumubuhos ang ulan. “Dahil dumagdag na talaga nang husto ang gumagamit ng motor, napakarami nating riders. Basta’t bumuhos ‘yung ulan ay sisilong sa ilalim…

Read More

110,000 pamilya apektado 7 PATAY SA SAMA NG PANAHON

UMABOT na sa pito ang bilang ng mga naiulat na nasawi sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Maymay at Tropical Cyclone Luis, kasabay ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat. Sa inilabas na datos ng Office of Civil Defense (OCD), anim sa mga nasawi ang naiulat na may kaugnayan sa mga insidente ng landslide, rockslide, pagkalunod at electrocution. Dalawa ang nasawi dahil sa landslide sa La Trinidad, Benguet, habang dalawa naman ang nasawi dahil sa rockslide sa Rodriguez, Rizal. Isa ang nalunod sa Luna, La Union at isa naman ang…

Read More

PDEA AGENT NASAWI SA BUY-BUST OPERATION; 3 MARINE, SUGATAN

ISANG ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang iniulat na nasawi habang tatlong miyembro ng Philippine Marines na katuwang sa inilunsad na anti-narcotics operation sa Tawi-Tawi ang nasugatan kahapon ng umaga. Sa impormasyong ibinahagi sa media ni Capt. Steffi Salanguit, Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) spokesperson, bandang alas-6:00 ng umaga kahapon nang ikasa ang joint buy-bust operation ng PDEA at Marine Battalion Landing Team 4 (MBLT-4) sa Sitio Mapanbubu, Barangay Paniongan, Bongao, Tawi-Tawi. Wala pang inilalabas na opisyal na kumpirmasyon ang punong tanggapan ng PDEA hinggil sa inisyal…

Read More