NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte sa ulat na pinagbabantaan umano ang buhay ng dating household staff ni Vice President Sara Duterte at hinihinalang nasa kustodiya ng ilang indibidwal. Ayon kay Duterte, kung totoo ang mga sumbong, seryosong usapin ito na may kinalaman sa kaligtasan at karapatan ng dating empleyado ng Bise Presidente. Kasunod ito ng pahayag ni Atty. Paolo Panelo, legal spokesperson ni VP Sara, na nakatanggap umano ang Bise Presidente ng mensahe mula sa dating household staff na humihingi ng tulong dahil…
Read MoreDay: November 17, 2026
PUBLIC PARKS PINADARAGDAGAN PARA SA LUNTIANG KOMUNIDAD
ISINUSULONG ni Senador Loren Legarda ang pagkakaroon ng mas maraming pampublikong parke at luntiang espasyo sa mga komunidad, lalo na sa mga lugar na kulang sa ligtas at madaling mapuntahang pasyalan para sa mga bata at residente. Ayon kay Legarda, dahil sa kakulangan ng mga pampublikong parke, napipilitan ang maraming Pilipino na magtungo sa mga mall at pribadong establisimyento upang makapaglibang, mag-ehersisyo at makapagsama-sama. Batay sa 2020 Census of Population and Housing ng Philippine Statistics Authority (PSA), 10,191 lamang sa kabuuang 42,046 barangay sa bansa, o 24.24 porsiyento, ang may…
Read MorePAG-ALIS SA BOND REQUIREMENT NG SEAFARERS SINANG-AYUNAN
WELCOME development para kay Senate Deputy Minority Leader Sen. Risa Hontiveros ang desisyon ng Korte Suprema na ideklarang unconstitutional ang probisyon sa Magna Carta of Filipino Seafarers na nag-aatas sa mga marino na mag-post ng bond bago makuha ang danyos na iginawad sa kanila matapos manalo sa kaso. Ayon kay Hontiveros, sa wakas ay naalis na ang isang pabigat na matagal nang kinukuwestiyon ng mga seafarer dahil hindi makatarungang obligahin silang maglabas pa ng karagdagang pera bago matanggap ang danyos na napanalunan nila. Binigyang-diin ng senadora na lalong nagpapahirap ang…
Read MoreSPEAKER DY, TINANGGAP MGA PINUNO NG AIPA BAGO ANG IKA-47 GENERAL ASSEMBLY
TINANGGAP ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang mga pinuno ng delegasyon ng mga parliyamento sa Timog-Silangang Asya at mga opisyal ng ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) sa isang courtesy call nitong Martes, Nobyembre 17, sa Makati Shangri-La, isang araw bago ang pormal na pagbubukas ng 47th AIPA General Assembly. Bilang pangulo ng AIPA, sinalubong ni Dy sina Brunei Darussalam Legislative Council Speaker Pehin Dato Abdul Rahman Taib, Cambodian National Assembly President Khuon Sudary, Indonesia House of Representatives member Amelia Anggraini, Lao PDR National Assembly President Sonexay Siphandone, at…
Read MoreVILLAR, ISINUSULONG REPORMANG PANG-EKONOMIYA UPANG MAKINABANG PH SA PAGLAKI NG ASEAN
ISINUSULONG ni Senador Mark Villar ang mas matibay na reporma sa ekonomiya, pagpapahusay ng imprastraktura at pagpapalakas ng kompetisyon sa negosyo upang mapakinabangan ng Pilipinas ang paglago ng ASEAN at makalikha ng mas maraming trabaho, pamumuhunan at oportunidad para sa mga Pilipino. Ginawa ni Villar ang panawagan kasunod ng pagtaas sa 4.7 porsyento ng economic growth forecast ng ASEAN para sa 2026. “Dapat nating palakasin ang ating mga pundamental na pang-ekonomiya at tumuon sa mga pangunahing industriya tulad ng turismo, pagmamanupaktura, BPO (Business Process Outsourcing) at KPO (Knowledge Process Outsourcing),…
Read MoreSANAOL HINDI MAKAPAL ANG MUKHA
CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAPA-SANAOL na naman ang marami nang magbitiw sa puwesto ang bise presidente ng Indonesia sa gitna ng kontrobersiya tungkol sa kanyang kwalipikasyon. At muling napaisip ang mga netizen kung bakit tila magkaiba ang pamantayan ng pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan sa ibang bansa at sa Pilipinas. Sa ibang bansa kasi, may mga opisyal na pinipiling bumaba sa puwesto kapag nasasangkot sa kontrobersiyang nakaaapekto sa tiwala ng publiko. Sa Pilipinas naman, parang parte na ng buhay-pulitika ang masangkot sa mabibigat na alegasyon ng korupsyon, pandaraya at…
Read MoreBAGONG PAG-ASA NG CUSTOMS KAY MENDOZA
On the Level ni JUNEX DORONIO SA gitna ng patuloy na hamon sa ekonomiya, problema sa smuggling, katiwalian at kakulangan ng tiwala ng publiko sa ilang ahensya ng pamahalaan, isang bagong pangalan ang inaasahang magbibigay ng panibagong sigla at direksyon sa Bureau of Customs (BOC): si Atty. Charlito Martin R. Mendoza. Hindi maliit na hamon ang kanyang tinanggap. Ang Customs ay isa sa pinakamahahalagang ahensya ng pamahalaan dahil malaki ang papel nito sa pagkolekta ng kita, pangangalaga sa hangganan ng bansa at pagpigil sa pagpasok ng mga kontrabando at ilegal…
Read MoreBataan Nuclear Power Plant, bakit nga ba ‘di pinaandar?
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA bawat pagdating ng electric bill, hindi lang konsumo ang binabayaran ng mga Pilipino, kasama na rin ang mga maling desisyon ng nakaraan. Isa sa pinakamabigat na “what if” sa kasaysayan ng bansa ang Bataan Nuclear Power Plant. Isang proyektong halos tapos na, bilyon ang ginastos, pero kailanman hindi pinatakbo. Hindi aksidente kung bakit mahal ang kuryente sa Pilipinas. Pinili at pinayagan ito. At hanggang ngayon, pinakikinabangan. Kung may isang proyektong pwedeng magbago ng kapalaran ng Pilipinas, iyon ang Bataan Nuclear Power Plant. Mahigit…
Read More