3 BINATILYO HULI SA P40-M SHABU

ARESTADO ang tatlong menor de edad makaraang makumpiskahan ng anim na kilo ng umano’y shabu sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City noong Linggo.

Nakatakdang i-turnover ng PDEA RO-NCR RSET sa tanggapan ng DSWD ang mga suspek na isinailalim muna sa quarantine bilang pagtalima sa health protocol kaugnay sa pandemya ng COVID-19.

Ang mga suspek ay nadakip sa joint operation ng PDEA RO-NCR RSET 1 & 2, PDEA SDO, PDEA EDO, TF NOAH, SIF ISAFP, RID NCRPO, Eastern Police District, at Mandaluyong City Police Sub-Station 6.

Ayon sa ulat, nagsagawa ang mga awtoridad ng buy-bust operation dakong alas-11:00 ng umaga sa Sierra Madre Street, Barangay Highway Hills, Mandaluyong City na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na may gulang na 17, 16 at 15-anyos, na lulan ng brown Nissan Sentra na may plakang ZTN-212.

Nakumpiska sa mga suspek ang anim na kilo ng umano’y shabu na tinatayang mahigit P40 milyon ang halaga, buy-bust money at ang Nissan Sentra. (KNOTS ALFORTE)

144

Related posts

Leave a Comment