SUPORTADO ng Department of National Defense ang panukalang batas na mag-aamyenda sa retirement age ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Inihayag ni Secretary of National Defense Delfin N. Lorenzana na kanyang sinusuportahan ang proposed legislation na kasalukuyang tinatalakay sa Senado at sa House of Representatives.
Bukod sa retirement age ng AFP officers, layon din ng panukala na magtakda ng tenure-in-grade ng lahat ng military personnel at baguhin ang percentage ng general officers base sa total AFP strength.
“The proposed law will streamline and stabilize the leadership, rank and organizational structure of the AFP,” anang Defense Chief. Dagdag pa nito, ang nasabing hakbang ay makatutulong sa AFP upang higit itong maging episyente at epektibong organisasyon.
Ang Senate Bill 1785 na isinusulong ni Sen. Dick Gordon at ang companion bill nitong HB 8056 na inihain ni Rep. Boboy Tupaz, ay magtataas sa retirement age ng isang officer sa 60-anyos at ang Chief of Staff ay gagawing 65. Mananatili naman sa 56 ang retirement age ng mga enlisted personnel. (JESSE KABEL)
170 