3 CHINESE NATIONALS INARESTO NG BI SA ONLINE SCAM AT MONEY LAUNDERING

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Chinese nationals sa Angeles City, Pampanga dahil sa hinihinalang online scam at money laundering.

Nahuli sila habang gumagamit ng mga computer para sa panlilinlang sa mga dayuhang biktima.

Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang mga suspek na sina Zhang Zheng, 42; Ren Yi, 28; at Zhang Shengjun, 31, inaresto habang aktong nag-ooperate ng computer equipment na gagamitin sa panloloko target ang mga dayuhan.

Ayon sa imbestigasyon, bahagi sila ng “breakaway” scam groups na binubuo ng dating POGO workers na nag-ooperate sa residential areas para umiwas sa mga awtoridad. Isa sa kanila ay may valid visa, ang isa ay expired, at isa ay permanent resident, ngunit wala silang maipakitang dokumento nang arestuhin.

Mananatili sila sa BI Warden facility habang isinasailalim sa deportation proceedings.

Ipinahayag ng BI na paiigtingin pa ang kampanya laban sa mga dayuhang sangkot sa krimen sa bansa.

(JOCELYN DOMENDEN)

96

Related posts

Leave a Comment