3 PANG EX-CABINET MEMBERS DINADAWIT SA IREGULARIDAD

TATLO pang miyembro ng gabinete ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang idinadawit sa iba’t ibang anomalya.

Ibinunyag ni PAGCOR Chair Alejandro Tengco sa Senate hearing kamakailan na si dating Presidential Spokesman Sec. Harry Roque ay lumapit sa kanya para ipakiusap ang isang POGO site at maayos ang problema nito.

Ayon kay Tengco, noong July 2023, nagtungo si Roque sa PAGCOR para ayusin ang atraso ng Lucky South 999.

Si dating Economic Adviser Michael Yang naman ay ipinaaaresto na ng Kamara matapos hindi siputin ang hearing ng komite ng dangerous drugs kaugnay ng sinasabing pagkakasangkot nito sa drug bust sa Pampanga noong nakaraang taon.

Ayon kay House committee chairman on dangerous drugs Rep. Robert Barbers, dakpin at dalhin sa Kongreso si Yang para sagutin ang mga paratang laban sa kanya.

Si dating DBM USec. Lloyd Christopher Lao naman ay sinampahan na ng kasong graft sa Sandiganbayan dahil sa Pharmally overpriced na medical supply noong kasagsagan ng COVID pandemic.

Wala pang reaksyon ang tatlong mga dating opisyal hinggil sa mga paratang laban sa kanila.

Si dating Pangulong Duterte ay posible namang dakpin ng International Criminal Court (ICC) dahil sa pagkasawi ng libu-libo katao sa drug war nito.

168

Related posts

Leave a Comment