5 HPG, 3 PA NA DAWIT SA KIDNAP-SLAY KINASUHAN

KINASUHAN na sa Calamba City Prosecutor’s Office ang limang miyembro ng Highway Patrol Group 4-A at tatlong sibilyan na itinuturong dumukot at pumatay sa isang negosyante at car salesman noong nakaraang Disyembre.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Jaime Faramil, isang trader, at Rodrigo Due-a, car salesman sa Camarines Sur.

Ayon kay Jaimie, kapatid ni Jaime, hindi na inilabas ang pangalan ng mga suspek para sa kanilang seguridad.

Sinampahan ng kasong kidnapping at serious illegal detention, kidnapping with homicide at paglabag sa Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Law ang limang tauhan ng HPG at tatlong sibilyan na kasama ng mga ito, sa Calamba City Prosecutor’s Office noong nakaraang Biyernes.

Agad na inalis sa kanilang pwesto ang limang akusado at nasa ilalim na ng restrictive custody ng PNP.

Matatandaan, umalis sina Jaime at Rodrigo sa Naga City, Camarines Sur noong Disyembre 26, 2021 upang bumili ng sasakyang Mitsubishi Strada mula kay Irene de Guzman ng Brgy. Timbao, Bian, Laguna.

Huling nakipag-usap ang mga biktima sa kanilang pamilya noong Disyembre 20, 2021

Pagkaraan ay natagpuan ang bangkay ni Rodrigo sa Tayabas, Quezon noong Disyembre 21, 2021, habang si Jaime ay hindi pa rin natatagpuan.

Nag-alok na ng pabuya ang pamilya ni Jaime na halagang P250,000 reward sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon hinggil sa kanilang kapatid.

Natagpuan ang sasakyang pick-up truck ng mga biktima sa Brgy. Toledo, Silang, Cavite noong Enero 3, 2022.

Noong Pebrero 4, 2022, sa bisa ng search warrant, sinalakay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-Quezon ang

impounding area ng HPG-Laguna sa Brgy. Paciano Rizal sa Calamba kung saan narekober ang identification cards at cellphone ng mga biktima. (CYRILL QUILO)

 

183

Related posts

Leave a Comment