ARESTADO ang limang sibilyan na lumabag sa pinaiiral na election gun ban kaugnay sa darating na parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Oktubre.
Batay sa datos ng Philippine National Police, limang sibilyan ang naaresto mula Agosto 14 hanggang Agosto 24 sa magkakahiwalay na operasyon kabilang sa checkpoint, police response/patrol operation at anti-illegal drugs operations.
Ayon kay Police Regional Office-BAR spokesperson, Lt. Col. Jopy Ventura, nakumpiska mula sa mga suspek ang limang maliliit na armas at mga bala.
Tiniyak ng pulisya at militar na patuloy ang paghihigpit nila ng seguridad upang matiyak ang mapayapa at maayos na halalan sa BARMM.
(TOTO NABAJA)
102 