6 ARESTADO SA DRUG DEN

PANGASINAN – Anim katao ang nadakip sa pagsalakay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Arellano Bani, Barangay Pantal, Dagupan City.

Ayon sa ulat na ipinararating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, na-dismantle ng kanyang mga tauhan ang isang drug den at anim na drug personalities ang naaresto sa ikinasang anti-narcotics operation na pinangunahan ng PDEA-Pangasinan Provincial Office (PDEA PangPO).

Nagsimula ang operasyon bandang alas-2:35 ng noong Lunes ng umaga sa pangunguna ng PDEA PangPO, sa tulong ng PNP Drug Enforcement Group – Special Operations Unit I (PDEG SOU I) at ng Dagupan City Police Station.

Kasama sa mga naaresto ang drug den maintainer na nahulihan din ng 14 na pirasong plastic sachet ng shabu na tinatayang nasa 6.8 gramo, bukod sa mga non-drug evidence kasama ng iba’t ibang drug paraphernalia, isang mobile phone, isang brown plastic tub, isang puting kahon na may label, at ang marked money.

Kinilala ni PDEA Regional Office 1 Regional Director, Atty. Benjamin G. Gaspi, ang mga suspek na sina alyas “Glaiza”, 36-anyos, umano’y tagapangalaga ng drug den; “Marvin”, 27, co-maintainer; “May Ann”, 34, empleyado ng drug den; “Jennifer”, 42, bisita; “Bryan”, 43, bisita; at “Elijah”, 19, bisita.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang matagumpay na operasyon ay isa na namang malaking accomplishment ng PDEA RO I at ng mga katuwang nitong ahensiya ng pamahalaan sa patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga sa lalawigan ng Pangasinan.

(JESSE RUIZ)

15

Related posts

Leave a Comment