CAVITE – Isang inaagnas na bangkay ng isang lalaki ang natagpuan sa gilid ng isang sementeryo sa Himlayan Paraiso, Brgy. Sabutan, sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Sabado ng umaga.
Inilarawan ang biktima na tinatayang 44 hanggang 55-anyos, nakasuot ng stripe na polo at itim na pantalon at naagnas na ang katawan.
Ayon sa ulat, naglalakad si alyas “MJ”, isang caretaker, sa gilid ng sementeryo sa nasabing lugar nang maamoy nito ang isang masangsang na bagay at nakita ang isang bangkay na lalaki bandang alas-8:15 ng umaga.
Isinailalim na ang bangkay sa autosy upang malaman kung ano ang ikinamatay nito.
(SIGFRED ADSUARA)
231 