P5.5-M PHIL. CURRENCY NASABAT SA JAPANESE

MAHIGIT P5.5 milyong undeclared Philippine currency ang nasabat mula sa isang Japanese passenger sa Mactan-Cebu International Airport noong Setyembre 21.

Paliwanag ng BOC, P50,000 lamang ang pinayagang ibalik sa pasahero alinsunod sa patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas, habang kinumpiska ang sobra at isinailalim sa Warrant of Seizure and Detention.

Ayon kay Port of Cebu District Collector Atty. Felipe De Vera, patunay ito ng mahigpit na pagbabantay ng mga frontliner sa mga paliparan.

Sinabi naman ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, bahagi ang operasyon ng mas pinaigting na kampanya kontra money laundering at ilegal na paglabas ng pera mula sa bansa.

Samantala, pinaalalahanan ng BOC ang lahat ng mga biyahero na bawal magdala ng higit sa P50,000 na Philippine currency nang walang pahintulot mula sa BSP.

(JOCELYN DOMENDEN)

153

Related posts

Leave a Comment