VP SARA: HINDI NA STABLE ANG GOBYERNO!

BUMIRA si Vice President Sara Duterte at idineklarang “hindi na stable” ang gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa gitna ng malalaking anomalya sa flood control projects.

“Our institutions are clearly abused… walang nangyayari sa ating bansa,” banat ng Bise Presidente.

Giit niya, matagal na nilang alam na si House Speaker Martin Romualdez ay tumatanggap ng kickbacks, hindi lang sa flood projects kundi pati sa ilegal na sugal.

Hindi na rin daw siya nagulat sa testimonya na male-maletang pera ang idinedeliber sa bahay nina Romualdez at Cong. Zaldy Co.

“Eh hindi odd kay Martin Romualdez, kasi minsan na rin siyang nadawit sa Okada case sa Amerika kung saan nabanggit ang pangalan niya sa mga ‘suitcases of cash,'” ani Duterte.

Palasyo: Nagbubulag-bulagan si VP

Mariing itinanggi ng Malacañang ang pahayag ni VP Sara, na tinawag nilang “isang malaking kasinungalingan.”

“Matatag ang gobyerno. Obstructionist lang si VP Sara,” litanya ni PCO Usec. Claire Castro.

“Ang Pangulo mismo ang nagpasimula ng imbestigasyon. Kaya mali na sabihing walang ginagawa,” aniya pa.

Romualdez: Kasinungalingan

Hindi rin pinalampas ni dating House Speaker Martin Romualdez ang akusasyon ni Duterte.

“Pure fiction. Guni-guni. Walang ebidensya!” giit niya.

Dagdag pa niya, pawang sabi-sabi lang ang mga alegasyon tungkol sa mga suitcases of cash at wala siyang kinalaman sa Okada/Delaware casino mess.

“Nakakalungkot na mismong Bise Presidente, na na-impeach dahil sa maling paggamit ng pondo, ang nagkakalat ng ganitong kasinungalingan,” kontra ni Romualdez.

(DANG SAMSON-GARCIA/CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)

156

Related posts

Leave a Comment