84 CHINESE NA HINULI SA POGO NA-DEPORT NA

NAIPA-DEPORT na ang 84 na Chinese nationals na naaresto sa magkakahiwalay na POGO hub sa bansa.

Lulan ng Philippine Airlines, lumipad kaninang 6:35 ng umaga ang eroplano na naghatid sa mga dayuhan papuntang Beijing, China na direct flight o walang stop over.

Mula sa 84 ay 75 sa kanila ang lalaki, habang siyam ang babae.

Karamihan sa kanila ay naaresto sa POGO hub sa Parañaque at Pasay City, habang ang Ilan ay nahuli naman sa Bamban, Tarlac at sa Lapu-Lapu Cebu.

Siniguro ng Department of Justice, Bureau of Immigration at Presidential Anti-Organized Crime Commission na direct flight ang biyahe para hindi na maulit ang dating insidente na may ilang deportees ang nakatakas makaraang mag-stop over muna sa ibang bansa ang sinakyan nilang eroplano na papunta sana sa China.

Samantala, may daan-daan pang mga arestadong POGO worker ang kasalukuyang pinoproseso ang deportation.

(JULIET PACOT)

43

Related posts

Leave a Comment