PINANGUNAHAN ni Senate Majority Leader Joel Villanueva kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) payout sa 800 beneficiaries sa Sta. Rosa, Laguna.
Tiniyak ni Villanueva na may pondo sa susunod na taon para sa dinagdagang Monthly Social Pension for Indigent Senior Citizens Act na kanyang inisponsoran noong 18th Congress.
Iminamandato ng nasabing batas ang 100% increase sa buwanang pension ng mahihirap na nakatatanda kaya mula 500 ay magiging P1,000 ang matatanggap ng mga ito. Kasama sa larawan si Congressman Dan Fernández.
(Danny Bacolod)
389