DEATH TOLL SA JEEP NA NAHULOG SA BANGIN, UMAKYAT SA 3

QUEZON – Umakyat sa tatlo ang bilang ng mga namatay sa pagkahulog ng isang owner type jeep na sinasakyan ng 8 katutubong Dumagat at dalawang pastor na foreigner, sa bangin sa Marilaque Highway, Barangay Magsaysay, sa bayan ng Infanta sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.

Ayon sa Infanta Police, pumanaw sa ospital ang isa pang babaeng biktima na si Glenda America Capatasan, 39, isa ring katutubong Dumagat.

Unang namatay ang dalawang biktima na sina Adelina America Peñamante at Adrian Mercado matapos na madaganan ng nahulog na sasakyan.

Napag-alaman na galing sa kanilang komunidad sa isang lugar sa Sierra Madre mountain ang mga katutubo at sakay ng owner type jeep na minamaneho ng isang American pastor, nang mahulog sa bangin ang sasakyan sa may 10 metrong lalim matapos mawalan ng preno sa palusong at kurbadang kalsada.

(NILOU DEL CARMEN)

134

Related posts

Leave a Comment