NAGSAMPA ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng reklamong tax evasion laban sa Sunwest Inc., na dating Sunwest Construction and Development Corporation at dati umanong pag-aari ni Zaldy Co.
Batay sa reklamo, nabigo umano ang kumpanya na magbayad ng tinatayang P22.71 milyong buwis mula 2019 hanggang 2024.
Ayon sa BIR, nag-ugat ang kaso sa umano’y kulang na deklarasyon ng kita, overstated na mga gastos, at maling pag-claim ng creditable withholding tax credits.
Kasama ring sinampahan ng reklamo ang pangulo ng kumpanya na si Aderma Angelie Alcazar at treasurer na si Cesar Buenaventura.
(JULIET PACOT)
107 