KAMARA NILALARO NG SENADO?

HINDI naitago ng isang administration congressman ang pagkapikon sa Senado partikular kay Senate President Juan Miguel Zubiri dahil sa patuloy na pag-atake, hindi lamang sa kanilang mga lider kundi maging sa kanilang institusyon.

“Nilalaro ba tayo ni Senate President Zubiri? We are puzzled with the recent actions of the Senate with regard to their treatment of the House leadership and our institution,” ani Zambales Rep. Jefferson Khonghun.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil noong Miyerkoles ay inanunsyo umano ni Zubiri sa buong mundo na nagkasundo silang dalawa ni House Speaker Martin Romualdez na itigil na ang word war sa pagitan ng dalawang kapulungan.

Bukod dito, magtutulungan na lamang umano ang dalawang kapulungan para sa kapakanan ng bansa.

“Yet, on the same day, senators resumed and even intensified their attack on the House by claiming that we inserted a P27-billion ‘ayuda to the poor’ in the 2024 national budget for the People’s Initiative campaign,” ani Khonghun.

“This latest incident leaves us now wondering: Has the Senate President lost his moral ascendancy to lead the Senate or is he taking us for a ride? Hindi na ba siya pinakikinggan ng mga kapwa niya senador o talagang niloloko niya lang tayong lahat?” dagdag pa nito.

Tulad noong nakaraang linggo, iwinagayway ng mambabatas ang dokumento na magpapatunay na sinuportahan ng mga senador ang Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) program na pinondohan ng halos P27 billion.

Ang dokumento na ipinakita ng mga kongresista ay ang Bicameral Committee Report na nilagdaan umano ng mga senador at congressmen bago ito hiwalay na niratipikahan sa dalawang kapulungan.

Kabilang aniya sa signatories dito si Sen. Imee Marcos, na unang kumwestiyon sa nasabing programa dahil lumalabas na wala ito sa National Expenditure Program (NEP) at isiningit lang sa Bicam.

“She (Imee) should have read the document in detail. AKAP was there. She should have asked questions there and then before signing it,” ayon pa sa kongresista kasabay ng pagtanggi sa alegasyon na ginagamit ito sa People’s Initiative.

(BERNARD TAGUINOD)

124

Related posts

Leave a Comment