SALISI SA OSPITAL NADAKIP

NADAKIP ng mga security guard ang isang 30-anyos na lalaki makaraang umano’y nakawin ang wallet ng isang sekyu sa pharmacy area ng Jose Reyes Memorial Medical Center noong Sabado ng umaga sa Sta. Cruz, Manila.

Dakong alas-10:30 ng umaga nang i-turnover sa tanggapan ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, station commander ng Sta. Cruz Police Station 3 ng Manila Police District, ang suspek na kinilalang si alyas “Carlito Jr.”, residente ng San Jose del Monte, Bulacan.

Base sa ulat ni Police Staff Sergeant Ricardo Peña, bandang 7:10 ng umaga nang humingi ng tulong ang isang security guard ng ospital nang mawala umano ang wallet nito na nakapatong sa mesa sa pharmacy area.

Bunsod nito, agad kumilos ang iba pang mga security guard na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na agad na dinala sa himpilan ng

Alvarez Police Community Precinct, sakop ng Station 3. (RENE CRISOSTOMO)

68

Related posts

Leave a Comment