WHAT’S NEXT FOR THE BI MUCHACHAS?

BISTADOR ni RUDY SIM

MAGPAPATULOY ang Committee on Justice and Human Rights sa pamumuno ni Chairperson Senator Risa Hontiveros, sa nabinbin na hearing tungkol sa isyu ng POGO sa Porac, Pampanga, at Bamban, Tarlac gayundin sa patong-patong na kaso ng grupo ni Alice Guo.

Muli ring haharap sa Senado ang iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno bilang resource persons para sa kung anoman ang kanilang nalalaman sa sandamakmak na kasong isinampa sa dating alkalde. Imbitado pa rin yata ang niligwak na si Kume Tan5 gayundin ang mga dating tauhan niya sa ahensya na pilit pa ring isinasangkot sa mga nangyari. Datapwat hindi na ngayon bossing ng ahensya si Kume ay nangako naman ito na patuloy na tutulong sa ikalulutas ng kaso. Good riddance on your part, Kume.

Ito naman si Enteng Aligaga sa airport ay maswerte pa rin na tila nakaligtaan na ni Senadora Risa, ay invited din hanggang ngayon dahil talagang mainit sa kanya si DOJ Secretary Crispin Remulla. Wala pa ba ang D.O. ng isang ito, SOJ Boying?

Atin nga palang binalikan ‘yung panayam kay SOJ Boying noong nakaraang linggo kung saan may pahiwatig siya na hindi naging magaan ang loob niya noon pa kay Kume. Bukod pa sa masikreto ang isang ito sa kwestyonableng working permits ng libo-libong Chinese nationals na nagtrabaho sa mga POGO. In fairness kay Kume, karamihan sa mga ito ay minana lang niya sa nakaraang administrasyon. Kaya nga may ilang abogado sa BI na dating miyembro ng special task force, ang pinag-staycation muna habang iniimbestigahan ang kaso.

Well, tila hindi naman tumatak ito sa isip ng mga empleyado ng BI dahil halos lahat ay nagpasasa noon sa administrasyon ni Tatay Digong. ‘Di gaya nang maupo si Kume na mga alipores lang niya sa OCOM ang namantikaan!

‘Yung dalawang muchachas nga niya ang balita natin ay nakapagtayo na ng mansyon nila sa kanilang poor-binsya, bukod pa sa ilang condo units na nabili nila riyan sa Maynila. ‘Yun ba naman na pumatong ka sa mga transaksyones sa OCOM ‘pag di ka pa naman naging ala-donya. Ganyan din si Dildil Bayabas na maswerteng kinupkop ng kababayan niyang si Kume. Ang balita ay may resort na sa Samar si Kamote at mansion sa naturang lugar. Sa ngayon ay naglulungga pa rin ang mga ito sa OCOM dahil status quo raw muna hangga’t wala pang bagong commissioner ang BI. So tuloy ang Ninja moves muchachas. Hahaha!

Kasama sa investments nitong mga muchachas ang itinanim na mga kamag-anak na IOs at JOs sa iba’t ibang sangay ng BI. May plano yatang kumandidato sa party-list ang dalawang ito at baka sakali nga naman na manalo sila sa rami ng kamag-anak na naipasok. WTF!

Sa ngayon ay naghihintay pa ang lahat kung sino ang mapalad na susunod na BI commissioner. Sino kaya sa mga aplikante ang bibigyang basbas ng Malacañang? Kung tayo ang tatanungin, ‘yung outsider na lang sana na maganda ang hangarin sa ahensya. Nang sa gayon ay magkaroon ito ng tamang direksyon at integridad. Hindi puro pagpapayaman!

Kabwisit na!

(Ang mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

23

Related posts

Leave a Comment