SINILBIHAN ng mga awtoridad ng warrant of arrest ang isang 63-anyos na senior citizen sa kasong 4 counts ng illegal recruitment at estafa makaraang madiskubre ang nasabing kaso habang nakapiit ang suspek sa loob ng selda ng Manila Police District-Moriones Police Station 2 sa Tondo, Manila nitong Biyernes ng umaga.
Kinilala ang suspek na si Agnes Baraña, may asawa, residente ng Dinalupihan, Bataan, itinuring na top 7 most wanted person station level.
Batay sa ulat ni Police Captain Genesis Aliling, hepe ng Warrant and Subpoena Section, bandang alas-10:00 ng umaga nang basahan ng Miranda Doctrine ang ginang sa loob ng selda makaraang madiskubreng may warrant of arrest ang suspek sa kasong 4 counts ng estafa at illegal recruitment.
Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa kaso ng nasabing suspek. (RENE CRISOSTOMO)
144